Napalo na ba ever ang anak mo?
Napalo na ba ever ang anak mo?
Voice your Opinion
YES (bakit?)
HINDI pa

2111 responses

89 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

part ng paglaki ang pamamalo kasi disiplina yan. yung panganay ko 5 yrs old napapalo ko kapag nambabato sya ng mga laruan nya. may isang instance kasi binato nya yung robot nya tumama sa monitor ng computer ayun basag nagastusan kasi bili ulit ng bagong monitor. pinalo ko sya kasi para marealize nyang mali ang ginawa nya. napapalo ko din kapag gusto nya sya ang masunod. like nung instance nagpunta kami sa sm kasi may irereturn akong item na deffective. since walang mgbabantay sa kanya isinama ko na. pero sinabihan ko sya na walang ibang bibilhin at hindi pwde maglaro sa Quantum or world of fun. kasi may pasok pa ako sa gabi. nung andun kami nagwawala sya at gusto bumili ng bagong laruan at gusto maglaro sa quantum. nakailang sabi ako na hindi pwede ang ginawa nya yung display na Manekin tinumba nya. dun ko sya pinalo kasi muntik na makabasag dahil tinulak nya ang manekin magagastusan na naman ako nang di oras. pinaparealize ko kasi sa anak ko na hindi kami mayaman na kahit ano pwede bilhin. itinuturo ko sa kanya na may limit hindi pwedeng bili ng bili or gala ng gala. or laro ng laro sa mga palaruang may bayad. kapag kasi hinayaan ko sya iisipin nya na lahat ok lang.." ok lang makabasag ako babayaran naman yan ng magulang ko." or "magwawala ako para palagi nila ako ibili ng gusto ko". bata pa lang pinaparealize ko na sa kanya kung pano magpahalaga ng mga bagay. after ko paluin ineexplain ko sa kanya kung bakit sya napalo.

Magbasa pa