Napalo na ba ever ang anak mo?
Napalo na ba ever ang anak mo?
Voice your Opinion
YES (bakit?)
HINDI pa

2080 responses

88 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

part ng paglaki ang pamamalo kasi disiplina yan. yung panganay ko 5 yrs old napapalo ko kapag nambabato sya ng mga laruan nya. may isang instance kasi binato nya yung robot nya tumama sa monitor ng computer ayun basag nagastusan kasi bili ulit ng bagong monitor. pinalo ko sya kasi para marealize nyang mali ang ginawa nya. napapalo ko din kapag gusto nya sya ang masunod. like nung instance nagpunta kami sa sm kasi may irereturn akong item na deffective. since walang mgbabantay sa kanya isinama ko na. pero sinabihan ko sya na walang ibang bibilhin at hindi pwde maglaro sa Quantum or world of fun. kasi may pasok pa ako sa gabi. nung andun kami nagwawala sya at gusto bumili ng bagong laruan at gusto maglaro sa quantum. nakailang sabi ako na hindi pwede ang ginawa nya yung display na Manekin tinumba nya. dun ko sya pinalo kasi muntik na makabasag dahil tinulak nya ang manekin magagastusan na naman ako nang di oras. pinaparealize ko kasi sa anak ko na hindi kami mayaman na kahit ano pwede bilhin. itinuturo ko sa kanya na may limit hindi pwedeng bili ng bili or gala ng gala. or laro ng laro sa mga palaruang may bayad. kapag kasi hinayaan ko sya iisipin nya na lahat ok lang.." ok lang makabasag ako babayaran naman yan ng magulang ko." or "magwawala ako para palagi nila ako ibili ng gusto ko". bata pa lang pinaparealize ko na sa kanya kung pano magpahalaga ng mga bagay. after ko paluin ineexplain ko sa kanya kung bakit sya napalo.

Magbasa pa
Super Mum

No, never ko pa napalo si LO ever since. I grew up with a dad na sobra mamalo kahit yung mga simpleng bagay lang na pwede naman idaan sa maayos na usapan dadaanin ka na sa sinturon. I have an authoritarian dad, I grew up in an environment na you have to be perfect and well-behaved, if not alam mo na ang kasunod. I'm thankful naman dahil in order to please him super nag excel ako sa studies and laging gumagraduate with flying colors. Yun nga lang di na nawala sakin yung pagiging competitive but I never enjoyed my childhood days. Ayoko maranasan ng anak ko yung naranasan ko sa father ko. Ayoko na fear ang bumuo sa pagkatao nila. Hangga't maari kung kaya madaan sa maayos na usapan, idadaan sa maayos na pakiusapan. Pwedeng pagalitan pero never na papaluin.

Magbasa pa
VIP Member

napalo ko gamit kamay ko. pero di malakas. ngayong age nya kasi napakalikot at kung ano ano sinusubo. malinis naman sa bahay. laruan nya lang nakakalat. minsan pag nagtitimpla ako ng kape di ko napapansin yong pinanghalo ko sa kape na kutsara bigla nya kinuha then sinubo. nong pag palo ko sa kanya hindi sya umiyak. then ngayon di nya na ginagawa.

Magbasa pa
VIP Member

bcoz of disobedience. At may pamalo tlga kmi, we don't use our hands as pamalo kasi hands is used for love and care. At kung paluin man namin, hnd nmn gnun kalakas. And lastly, we explain why we do that. They need to know why para hnd uli mag disobey

VIP Member

...makulit... hnd nmn cguro masama paluin ang bata lalo n parte ito ng pagdidisiplina sa knila... hnd nmn nmn namamalo ang isang ina ng walang dahilan... at hanggat kaya pa pagpasensYha.. pero if mali na dun na need ng disiplina

Super Mum

Yes, actually my rod of discipline xa. pag nakikita nya yun mgssorry xa agad sbay hug sakin hehe.. yan ung picture nya nung 2years old pxa haha. ngayon 4year old na eldest ko.. happy na happy xa sa rod nya😂😂😂

Post reply image
VIP Member

Pinapalo ko siya hindi dahil malikot o makulit pinapalo ko siya kapag may bagay siya na nagawa na hindi dapat, like pagpalo sa pinsan niya o pagtapon o pagsasayang ng pagkain.

TapFluencer

for discipline,mensan kailangan talava paluin ang bata pero yung tama lang,.pagkatapos ipaliwanag kung bakit sya napalo.nagsosorry sya saken then nagsosorry din ako..

VIP Member

napapalo pag di talaga sya nakikinig..pag sobrang kulit na..pero hindi naman yung palo na sobra sobra na..yung mabubugbog sya..yung sakto lang na madidisiplina sya.

napapalo talaga minsan...parti ng pag ddsiplina...d na man ganon kalakas...lalo na kong d na tama ang ginagawa at d nakikinig pag pinag sasabihan