OA daw akong nanay ?

palabas ng sama ng loob mga mamsh. sabi ang OA ko daw kasi konting sakit lang daw ng anak ko dinadala ko na sa doctor nya. kunware mga mamsh pag naka 3 days na nilalagnat si lo kinabukasan nakacheck up na kagad sya sa pedia nya o kaya kahit 2 days lang basta umabot ng 40°C dinadala ko na sya sa pedia nya kasi takot ako baka mag kumbulsyon sya lalo na sa gabi baka mamaya mapasarap tulog namin di namin mapansin si lo. katwiran ko po kasi di na baleng gumastos ng maliit kesa antayin ko pang lumala bago ako gumawa ng aksyon. turning 2 palang po lo ko. yung anak po kasi nila pag nilalagnat at inuubo pinupunasan lang nila tapos ipapahilot hanggang gumaling turning 7 na lo nila. ayoko namang ganun kasi andaming sakit ngayon na naglalabasan. Pagiging OA na po ba yun mga mommy?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tama lang naman yan, anong oa sa gusto mong masigurado na ok ang anak mo db? Ako nga emergency agad sa private pa talaga eh. Kasi hindi naman tayo doctor, hindi rin nagsasalita ang baby kaya hindi natin alam kung ano ang masakit sa kanila. Ang hirap din sa puso kapag nakikita mong nahihirapan yung anak mo at wala kang magawa. Kahit gumastos ako ng malaki sa mga test basta safe ang anak ko at magkaron ako ng peace of mind hindi importante sakin yung perang ilalabas. Hindi dahil may ipambabayad ka kundi mapapalitan naman yan kahit utangin pa. Nakakainis yung ibang matatandang nanay na nagmamagaling sa buhay ng iba. 🙄

Magbasa pa
6y ago

Hayaan mona sis. Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Hindi talaga mawawala ang mga ganyang klase ng tao.