OA daw akong nanay ?

palabas ng sama ng loob mga mamsh. sabi ang OA ko daw kasi konting sakit lang daw ng anak ko dinadala ko na sa doctor nya. kunware mga mamsh pag naka 3 days na nilalagnat si lo kinabukasan nakacheck up na kagad sya sa pedia nya o kaya kahit 2 days lang basta umabot ng 40°C dinadala ko na sya sa pedia nya kasi takot ako baka mag kumbulsyon sya lalo na sa gabi baka mamaya mapasarap tulog namin di namin mapansin si lo. katwiran ko po kasi di na baleng gumastos ng maliit kesa antayin ko pang lumala bago ako gumawa ng aksyon. turning 2 palang po lo ko. yung anak po kasi nila pag nilalagnat at inuubo pinupunasan lang nila tapos ipapahilot hanggang gumaling turning 7 na lo nila. ayoko namang ganun kasi andaming sakit ngayon na naglalabasan. Pagiging OA na po ba yun mga mommy?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

di po yun pagiging OA mommie.. pagiging maingat at segurista ka po.. ok lng yan momsh.. lhat nman tayo ayaw mapahamak mga lo natin, lalo na pag nilagnat na.. wag mo pansinin masyado momsh.. baby mo yan, di nman sila gumagastos para sa baby mo para magreklamo sila ehh 😊

6y ago

kaya nga po mamsh eh di naman kami nanghihingi sa kanila ng pangpapadoctor😌