nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bute na lang di ganyan hubby ko... Nasakin atm nya.. Kasi once na mag asawa n kayo di pede un kanya kanya dapat sanyo na un.. Extra income ko sa load sinasama ko sa pera namin pan dagdag tas lahat nakalista kuryente tubig para nakikita nya.. Atleast walang issue when it comes sa financial.. Kung may bibilhin na gadget desisyon namin dalawa di pedeng go lang ng go.. Pag usapan nyo po yan

Magbasa pa

Nakakalungkot nga, pero malay m namn po, hubby q ganyan pag alam nia may pera aq, di xia naglalabas ng extra, pero sahod nia buo binibigay nia sa akin.. Kso kulang pa din pag maubos na at sinabi qna wala n aqng mailalabas, magugulat nlng aq bigla xia maglalabas. Yun pla nagttago xia pra just in case may magamit.. Malay mo nmn magllabas yan pag malapit kna talga manganak

Magbasa pa
5y ago

kakaopen lang nya ng savings sa office nya mamsh.. ang balak nya is magloan doon..

Yung 13month ng asawa ko binigay lahat sakin pati pa sahod sabi nya pahinge naman ako ng konti ang saya lang kc ramdam mo na mahal ka ng asawa mo kc kung diko sya bbgyan ok lang naman kc bukod sa work nya my sideline pa sya kaya depende sakin kung bbgyan ko sya oh hindi pero kilala naman nya ako mghawak ng pera iniipon ko talaga para sa pangangailangan ng anak namin

Magbasa pa
5y ago

oo nga eh.. di na nga ko naghahangad na magkaron ng celfon.. wala kase kong fon ngayon..nakikigamit lang ako sa panganay ko at sa asawa ko.. kaya pag busy sila sa mga gadget ako busy sa paglalaba or paghuhugas ng plato 😂

Kami kahit kapos sa laki ng bills dito sa house, so far nakakaipon kami. Gamer din ang asawa ko pero since mabuntis ako, tumigil na muna siya sa pagbilibili ng games at mga luho niya. Swerte ko kasi ang asawa ko alam niya ano ang priority. Magfile ka na lang ng indigency sa Philhealth tapos sa public hospital ka manganak para wala ka bayaran.

Magbasa pa

Nakakasad pag ganun noh yung ngwowork ang lalaki peri di naman bbgay sa asawa imean dika bbgyan ng pera na hahayaan ka lang kung pano at saan mo gagamitin kaya pasalamat din ako pag sasahod ng asawa ko walang tanong tanong kung saan ko gagamitin ibbgay nya ng bou ako na bahala mg budjet or kung maubos man hindi sya mghahanap kung saan ginamit

Magbasa pa
5y ago

ang sarap sa feeling nyan mamsh

VIP Member

Pag usapan nyo po mamsh. Mas maganda yung nag oopen up ka sa kanya. Yan po ang least na dapat pinagkakasaaman ng loob nyong magpartner, ang gastos at pera. Tama naman po na pera nya yun at may mga pangangaialangan din sya at gusto. Pero baby nyo po yan parego kaya dapat kung anu't ano man e share din kayo sa gastos at pagbili ng mga gamit.

Magbasa pa
VIP Member

Ndi healthy mamsh sa relasyon ung kinikimkim mo lang sa sarili mo yung ganyang nararamdaman mo better din na kinakausap mo si hubby po about jan... kausapin mo ng maayus at magplan kau ng maayus para maiwasan na lumaki ung prob dahil sa sinasarili mo lang baka one day sumabog ka na lang dahil sa sibrang stress kaya dapat pinaguusapan nio yan

Magbasa pa
5y ago

ako na din nag iinsist na magshe share ako sa bahay kahit kakapiranggot lang naman kinikita ko plusy ung sustento ng tatay ng panganay ko.. kase ang hirap nang susumbatan ka sa lahat ng ginagastos nya para sayo.. tsaka para di nya mafeel na unfair sa part nya na sya lang gumagastos.. tama nga naman, sa panahon ngayon dapat hati kayo sa lahat.. kaya pa naman tiisin mamsh.. para lang di na kami mag away pa

Kaya ako mommy, hindi pwedeng wala akong trabaho na kikita ako ng sarili kong pera! Mahirap kasi masumbatan ng asawa at isa pa kahit nakabukod kami ng bahay ng byenan kong babae eh aba mayat maya nagcheck2 kung nagtatrabaho ba ako at kung sumahod naba ako samantalang anak nyang walang diskarte eh parang pako saka kikilos kapag sinabihan mo!

Magbasa pa
5y ago

sorry ah pero toxic naman nung byenan mo mamsh.. sana lang makapagwork pa ko after kong manganak

Nko ako gnun dn jowa ko derck selling dn kc ako avah inaasahan ng jowa ko knkt k eh buwanan ang cngilan ung iba pa stress dhl mas mrnong pa sa pag ppautang cngot k tlg jowa ko hwag nia asahan unv kita don dhl mliit lng sk buwanan pa hai nko gzto k umiyak pro hnd eh tlgng nagbitaw ako ng slita kc mskit sa dibdib pag hnd mailbs

Magbasa pa

Ganyan ding ung partner ko mumsh, ung bunos at 13th mon pay nya binili nya cp. Tas ngbigay oa ng pambili ng cp sa kapatid nya . 6mons.preggy naq wala padin kming nbibili kahit isang lampin. Wala padin aqung naiipon para sa panga2nak ko . Hinahayaan ko nalang kesa mastress aq. Hahahaha ! Sa kaorasan hayae xea ang mamoblema.

Magbasa pa