Stress! Stress! Stress!

Pakalma naman po. Labas ko lang stress ko. Happy kami nakahanap kami lying in kung san mapapamura kami. Nung una mukhang okay lahat. Malinis naman at mukhang bago place. Pero nitong nakaraang check ups ko, laging wala midwife ko, ni hindi pa nga kami nagkikita. Tapos yung last na check up, mali mali yung weeks of pregnancy yung nilista sa record ko. Pati weight ko from 68.5 naging 82kg bigla in just 1 week?! e nagbabawas na nga ako ng kain. Nagmamadali pa yung OB na tumingin sakin. Pinakinggan lang heartbeat ni baby tapos balik nalang daw ako in 2 weeks dahil akala nga 33 weeks palang ako, e 37 weeks na ako. sabi ko pano po yan kung manganak na ako this week di pa ako nachcheck ng midwife ko, wala naman daw problema madami pwede magpaanak sakin dun. Hala pagpapasapasahan lang ata ako. Importante din nman satin medyo makilala din muna ntin magpapaanak satin..Hindi yung gulatan nalang. Pano tayo makakampante niyan. Haaaaaaay. Help po. :(

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Not too late sis hanap ka ng iba