Posterior Low Lying Placenta Grade 3

Hello po. Meron po bang midwife or nurse dito? Nagpacheck up ako kanina sa public hospital. Bale 2 po ang pinagpapacheck-upan ko. Isang private ob at sa public nga po. Last check up ko sa private ob (Oct. 5)ay nagpaultrasound ako. Posterior low lying placenta grade 3. Tinanong ko sa ob kung ano yun, ang sabi lang e mababa daw ang inunan ko. Ngayon pagpacheck up ko naman sa public, kinuha ng midwife ang ultrasound ko, at nabasa nga na low lying grade 3. Sabi nya hindi daw pwedeng inormal delivery, etc etc. Kinabahan ako syempre. Nung dumating na yung ob(public) sinabi ng midwife yung case ko, kaso wala namang binanggit yung ob about dun. Nung in-i. E ako ay inulit ulit ng midwife sa ob na low lying placenta grade 3 nga ako. Deadma pa din yung ob. 1cm na po ako, and niresetahan na din ako ng evening primrose. Sino pong may experience na dito about low lying placenta grade 3? Im on my 37 weeks na po. Kinakabahan kasi ako, baka risky sya pag normal delivery. Enlighten me po pls.. #1stimemom #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang alam ko po pag low lying hindi po pwede inormal..