Breastfeeding advice

Pahelp po! Di ko alam pano papatulugin si LO ko, 3 weeks old po siya. Ever since natuto siya maglatch, gusto niya palagi nakasubsob sa dede ko. Kahit done na siya mag milk at nakatulog sa dede ko, magigising siya pag ibburp na or pag ililipat siya sa higaan. Tapos iiyak ulit at hihingi ng dede huhu. Meron po bang way para makatulog ang breastfed babies agad? Sa formula kasi dati nakakatulog siya mahimbing pero gusto ko sana exclusive breastfeeding kami.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganan din baby ko noon nung 3 weeks old siya pag ihihiga ko siya palagi siyang nagigising ang ginagawa ko pag pinadede ko siya hinihiga ko siya sa unan tapos deretso ko siya sa duyan para pakiramdam niya hinehele pa din siya .. tapos nilalagyan ko siya ng mga unan sa tabi niya para pakiramdam niya may nakayakap sa knya .. normal lang yan mommy ganan talaga ang mga breastfeeding babies ..

Magbasa pa
4y ago

Yes po

marami ka na bang gatas momsh? kasi if di pa satisfied si baby sa nadedede niya sayo, hindi talaga po siya makakatulog kasi gutom pa. hayaan mo pag dumami na yang gatas mo, madali na masatisfy si baby mo at makakatulog na siya.

4y ago

Madami naman po. Ok naman ang output niya ng wiwi so may naiinom naman po siya. Nakakatulog po siya sa dede ko everytime mag milk time kami, pero pag naalimpungatan na siya, iiyak at gusto maglatch na naman.