Ayaw Magpakasal ni Partner

Pag tinatanong kami ng ibang tao lagi sagot namin ipon muna kami for baby namin bago atupagin ang kasal. Pero pag kami na lang ang sinasabi nya sakin ayaw nya magpakasal kasi sa tingin nya for formality lang daw yun, minsan magbibiro pa sya pag napapanood namin yung mga mag-asawa na nauuwi sa Tulfo "Ayan kaya ayaw ko magpakasal kasi pag nag-away tayo ipapatulfo mo lang ako". kesyo daw di din naman nagpakasal mga magulang nya, pati yung ate nya kaya di sya sanay sa konsepto ng pagpapakasal. Di na lang ako umiimik kasi alam ko naman na nabanggit ko sa kanya pangarap ko pa rin ang ikasal syempre. At ayaw ko na lang rumebat ng" Kaya yung tatay mo lakas ng loob na niloko nanay nyo pano hindi nakatali". Ano po ang opinyon nyo mga mommy kung marinig nyo sa partner nyo na ayaw nya magpakasal.

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang hrap nyan... ndi sya naniniwala sa ksal at ginawa nya pa example parents nya... maybe its up to u mommy kung itutuloy mpa din yn or ndi na... for me I believe in in the importance of marriage.. security ntin un mga girls plus to be a good example on our kids lalo na pag girl un anak mo... but for me if he really love u pakakasaln ka nya kht pa iba paniniwala nya... ksi kung mhal tau ng isang tao kung ano ikakasaya at ikakabuti pareho gagawin nya...

Magbasa pa