Ayaw Magpakasal ni Partner

Pag tinatanong kami ng ibang tao lagi sagot namin ipon muna kami for baby namin bago atupagin ang kasal. Pero pag kami na lang ang sinasabi nya sakin ayaw nya magpakasal kasi sa tingin nya for formality lang daw yun, minsan magbibiro pa sya pag napapanood namin yung mga mag-asawa na nauuwi sa Tulfo "Ayan kaya ayaw ko magpakasal kasi pag nag-away tayo ipapatulfo mo lang ako". kesyo daw di din naman nagpakasal mga magulang nya, pati yung ate nya kaya di sya sanay sa konsepto ng pagpapakasal. Di na lang ako umiimik kasi alam ko naman na nabanggit ko sa kanya pangarap ko pa rin ang ikasal syempre. At ayaw ko na lang rumebat ng" Kaya yung tatay mo lakas ng loob na niloko nanay nyo pano hindi nakatali". Ano po ang opinyon nyo mga mommy kung marinig nyo sa partner nyo na ayaw nya magpakasal.

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

opinyon ko lang naman to. 14yrs na kame nagsasama ng partner ko, di pa din kame kasal. ako din yung takot, pero napaguusapan din naman. pero wag mo din gawing issue kung mejo off ang pananaw ni partner mo..

Yung partner ko gustong gusto na ko pakasalan, ako lang may ayaw kase nag-aaral pa ko. And gusto ko magpakasal kami pag may sariling bahay na kami. Baka hindi pa lang talaga ready partner nyo like me.

hehe! antay lng mommy, gnyan na gnyan din mr ko dati. umabot muna kmi ng 10yrs bago naikasal. ganun ktagal ako nag antayπŸ˜…. mportante ok pagsasama nyo. malay nyo po my plano tlga sya, tiwala lang☺️

Para sakin momsh, 'kapag gusto mo, maraming paraan kapag ayaw naman maraming dahilan.' Magpapakasal ang dalawa kung ayaw nila mawalay sa isat isa. Otherwise, di ko alam anong nasa isip ng partner mo.

yung iba nga mamsh kasal pero naghiwalay haha. pagsasama kasi pinapatagal minsan kasi yung kasal sa sobrng nagiging kampante ka di nyo na napapamsin wala ng love iniisip nyo nlg kasi kasal kayo. 😊

4y ago

nawawala Po tlga ung feeling Ng love. maganda lng sa live in pag d na masaya wlang mag ho hold sayo n umalis, para lng kayong mag bf gf n nag sama.

that's so sad momsh. ganyang thinking po, walang plano po sa future nyo sis :( kasi mas gusto nya maging single, para siguro if makahanap sya ng iba, eh madali lang kayo iwan ng anak mo.

slowly educate your partner about marriage. wedding day is a one-day affair and doesn't need to be grand. if you understand the concept of marriage, then slowly educate your partner.

Pray for him at para sa inyong dalawa na rin. Para sa kin, ang kasal ay to honor God sa relationship ng couple. Di rin ok magpakasal kung pang formality lang ang mindset. 😊

Masakit para sakin yun momsh. para saan yung relayson nyo if hndi ka dn naman pakakasalan d ba. ok naman kahit matagalan p yan basta't inasure ka nya na pakakasalan ka.

Mahirap po yan, momsh. Mas maganda pa rin na makamulatan ng nga magiging anak natin na kasal ang kanilang mga magulang. We should be the one to set an example to them.