Thankful
Pag my nababasa ako dito na galit na galit sa byenan o di kaya ay nakikipisan pa sila sa biyenan mas naging thankful ako kung ano meron kami ng husband ko. Same kami na may work Engr cya ako naman eh senior na sa isang company at parating palang first baby namin pero wala kaming inaasahan na ibang tulong, nagsisikap tlaga kami parehas at minsan nahihirapan kami lalo na ngaun na lahat ng bilihin eh tumataas na. Iniisip namin ung mga kakilala namin my support ng magulang pero kami wala talaga sariling sikap, nagbabayad kami ng renta ng bahay, bills etc. Ung target namin na budget for the delivery eh hindi pa din tpos at nakaka stress minsan pero un nga pag my nababasa akong nagrarant sa byenan atleast nagiging thankful pa din ako kc kahit walang magulang na tumulong sa amin, atleast di ko naranasan magkaron ng byenan na pakialamera o kaya nahihirapan kumilos kasi madaming kasama sa bahay.