Kung meron po kayong contact number or messenger account ni OB, mag inform po muna po kayo. Siya po kasi nakakaalam ng mas mabuti pong gawin. Nagkaganyan din po ako nung 17 weeks, pinainom ng Duvadilan ni OB at nawala rin spotting after 3 days. However po, after 1 week, nagbleed po ulit ako. Nag message ako sa kaniya at pinadiretso na niya ako agad sa ER hanggang sa na-admit na ako. Based po kasi sa pagkakaintindi ko, multiple times na rin po kayong nagspotting kung lagi po kayo nireresetahan ng duphaston at isoxilan. Hindi daw po kasi normal sa pregnancy ang spotting or bleeding kaya dapat po ipaalam po agad sa OB. Yung sa case ko, UTI po ang main reason ng bleeding. Mas mabilis daw kasi ang effect ng gamot if sa swero idadaan kaya na-admit ng 2 days. After 4 days, nawala na rin yung bleeding. Kaya po inform niyo muna po sa OB asap. Ingat po, God bless.
Magbasa pa