Paano po palakihin si baby?
Hi. Paano po palakihin si baby? 2.8 lang po siya. 36 weeks and 4 days po ako #1stimemom #firstbaby #advicepls

actually yang 2.8 ideal weight na yan lalo kung first time mo manganganak. kasi kung lumagpas sya sa 3 kilos mahihirapan ka na umire di pa kasi naiistretch yung cervix mo dahil 1st time mo manganak. baka ma-cesarean ka pag di agad nag open cervix mo at isa pa mahihirapan gumalaw palabas si baby kasi sobrang bigat ng katawan nya..imaginin mo ang taba nya at ang sikip pa ng space nya sa loob ng womb mo maiistress sya talaga kakaisip kung paano lalabas dun.. ako sa panganay ko 3 kilos sya grabe inabot ako 13 hours sa labor dahil hirap ilabas ni baby tapos matangkad pa sya kaya grabe ang punit sa pempem ko inabot hanggang pwet tahi ko. tapos dito sa 2nd baby ko inadvise sakin ng ob na wag ko palakihin ng lagpas 3 kilos baby ko kasi mase cesarean ako pag nangyari yun. so namaintain ko sya sa 2.8 kilos hanggang manganak. mahirap macesarean eh ayoko ng malalang tahi sa tyan.. advise ko sayo wag mo na palakihin ng todo yan mag gulay at prutas ka wag na masyado magkanin kasi ikaw din mahihirapan sa labor kung super taba ni baby.. mas madali magpalaki ng baby pag nailabas mo na sya. dito sa 2nd baby ko 2.8 sya nung ilabas ko. tapos nung 1 month na sya 3.8 kilos na sya pure breastfeed ako sa kanya. nadagdagan na ng 1kilo..
Magbasa pa