Pa help po..
Paano po maging isang teen mom.? 20 years old lng po ako.. At 3 weeks preggy... At Hndi pa po alam ng parents ko.. Ano po gagawin ko..? Need ko ko po advice.. ?????
First of all, confess. Planuhin mo na kung papano mo sasabihin sa parents mo kasi sila lang talaga ang makakatulong at makakagabay sa pagbubuntis mo. Oo, malamang magagalit sila pero kung tunay silang nagmamahal at nagmamalasakit sa inyo ng ipinagbubuntis mo, mararamdaman at makikita mo pa rin ang pag aalala at pag aalaga nila sa inyo. Kapag pinagalitan ka, makinig ka lang at 'wag ka nang sumagot o mag-attitude. Tanggapin mong nagkamali ka at ipakita mo sa salita at gawa na gusto mong itama ang pagkakamali mo. And from now on, makinig at sumunod ka na sa parents mo. Idagdag ko lang na sana pagkapanganak mo ay makapag aral ka ulit at makapagtapos. Iba ang may pinag aralan dahil kahit na iwan ka o hindi ka panindigan ng tatay, kakayanin mong buhayin ang sarili mo at baby mo.
Magbasa paMas magagabayan k ng mga magulang mo if mgsasabi k n s knila ngeon at mag tiwala po kau s magulang nyo mas gugustuhin nila n mgsabi k ng totoo at pra ma alalayan k n din nila sa tmang pg aalaga m s sarili m lalo n at buntis k na. Hndi n lng tungkol sau ang pgdedesisyun ksma n din dyn ang baby mo kaya wg k matakot n mgsabi at ipaalam yan s mga magulang mo magalit man cla s umpisa in the end walang magulang ang kayang tiisin ang sariling anak lalo n s kalagayan m ngeon for sure matutuwa sila knowing n mgkaka apo n cla sayo. Ang galit lilipas din yan pro ang pagmamahal ng magulang s anak ay hindi nawawala ilang beses k man madapa sa buhay 🌻
Magbasa patell them. normal lng naman na magalit sila pero maiintindihan ka naman nila, walang ibang iintindi sayo kundi pamilya mo. magbasa basa ka pano gagawin sa bata at pagbubuntis mo. basta pag naccurious ka, mag search ka lng. basa basa lang tsaka tanong tanong makakayanan mo ren yan.
ako nga 13 weeks preggy mag 17 palang ako next month pero natanggap ng mommy ko kase alam niya kaya ko na ilang taon na ako lang inaasahan sa lahat ng bayarin sa bahay namin pinag aaral ko kapatid ko tas lahat ng baharin pagkain saken naka asa kaya alam ng mommy ko na kaya ko na.
Mas maganda kung maaga palang sabihin mo na sa parents mo. 19 years old ako first nabuntis, nanganak at the age of 20. Pero hindi naman ibig sabihin nun e hihinto na ang buhay dahil maaga ka nabuntis. Kausapin mo sila ng maayos. Have plans for you and your baby. ☺
20 yrs old din ako nung nabuntis. Sinabi ko muna sa auntie ko kasi sknya ako nakatira that time. Tpos sya ang nagsabi sa parents ko. Di naman nila pinakitang galit sila. Pero iyak ng iyak mama ko. Tas parents ko ang nag ayos ng lahat kaya kinasal kmi sa judge noon.
3 weeks preggy? Iha tingin ko mali ka ng bilang 😅 nag sstart ang bilang sa unang araw ng huling regla. Sabihin na ninyo sa parents ninyo para magabayan kayo ng maayos.
Ako nga 18 nagkaanak eh haha kinaya naman basta maging wais sa mga desisyon. Sabuhun mo na agad kesa patagalin mo pa ganun din nmn malalamn at malalaman nila yan
Ako nga 19 ng unang mabuntis single mom pa nakaya ko nman sa tulong ng pamilya ko. Kaya sabihin muna yan habang maaga pa para matulungan ka nila..
Ate matanda kna hindi kna teen. Ako nung nagbuntis ako 19 nga lg eh. Kinaya ko naman . Sabihin mo sa parents mo habang maaga pa.