1st time mom here.Nakaramdam din po ba kayo ng postpartum anxiety After manganak? 6mos na po ni Lo

Paano po labanan ang postpartum anxiety/depression? Napakahirap mga mommy.. 6mos palang ng lo ko.. Sino na po dito nakalampas sa ganitong pagsubok? Yung tipong ang lungkot ng pakiramdam mo,natatakot,gusto nalang umiyak ng umiyak.. 😥 aware naman po ang hubby ko at mother ko.. Full support naman po sila sakin..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Nagpa-checkup na po ba kayo sa psychiatrist about your mental health po or nafe-feel niyo po meron kayong Postpartum depression? Mas okay po mag-seek kayo ng professional help sa isang psychiatrist kung nararamdaman niyo pong hindi na healthy yung mental health niyo. Mahirap po kasi mag-advice kapag mental health issue na po. I’m on my 8th postpartum at nararamdaman ko din po yan sobra pero di pa po ako nagpapacheckup since di naman ako sure kung ppd na ba ito or baby blues lang. Ang ginagawa ko po kapag nararamdaman ko na nadedepress or nalulungkot ako, pumupunta ako sa cr tapos iniiyak ko lahat dun o kaya nagkwekwento ako sa hubby ko. Minsan naman kpag super di ko na talaga kaya, pinapaalaga ko muna si baby sa mama ko or in laws ko tapos nagpapahinga ako or manonood ako movie para magkaroon ako ngn ME time. Hindi ka naman magiging masamang mommy kung ipaalaga mo baby mo sa kmaganak mo kahit 1hr lang at gawin mo gusto mo. Make time for yourself po. You’re still a great wife and mommy sa family mo. It’s okay to be sad pero wag niyo po ignore signs ng depression. Always check your mental health, para na din sa sarili mo and sa family mo. We can do it, mommy! ❤️

Magbasa pa