leeg ni baby

Paano po ba matanggal to , is this a rashes? May ointment ba para dito? Pa tulong naman po 1st timer mommy here ?

leeg ni baby
57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lagi lang po linisin leeg ni baby saka wag hahayaang laging nababasa. na ganyan na din po baby ko nung bago sya mag 1month dalawang beses nung unang beses ganyan na ganyan po eczacort po nireseta ng pedia nya 2days lang nawala na po rashes nya. pangalawang beses nag kaganyan po ulit pero un medyo nag susugat na po saka mabaho po ung amoy tabain po kase ung leeg nya kaya lagi nag papawis sunod na nireseta po sa knya foskina-b sobrang effective din po 2 days lang din po wala na agad tas di na po ulit sya nag ka rashes sa leeg 5mos na po si baby ngaun .

Magbasa pa
5y ago

make sure din po na lagi nakakahinga ung taba taba ni baby sa leeg para iwas rashes

Kapag po tulog si baby at tulog din kayo di mo alam na baka lumungad siya tapos matutuyo or mababad ang milk sa leeg baka po kaya nagrashes(di naman ako sure kung ano talaga ang cause pero posible naman na baka ganun nga) anywaaaay Lagi po linisan si baby... kahit bulak at tubig lang kapag nafeel niyo na pinawisan linisan mo po yung part ng katawan niya na madumi at napawisan sabay punas ng tuyo na lampin saka ligo everyday Si baby ko po ligo po sa umaga tapos punas sa gabi...

Magbasa pa

Momshie, better consult your pedia kasi mas alm nya kung ano pwede ireseta na pampahid sa knya yung hihiyang sa kanya.. sa baby namin pinacheck up dn namin kasi ganyan din may rashes sa mukha tpos sa leeg tpos makapal na parang balakubak sa ulo.. recommend nya samin ay CETAPHIL na pampaligo..then PHYSIOGEL ung A.I. color pink after maligo..tpos saka ung pmphid na my 0.1% steroid na pede sa baby...bsta need u magpacheckup sa pedia asap

Magbasa pa

Ganyan din mamsh ang baby ko. First time mom din ako. Wag mo yang pupunasan ng kung ano. After niya paligoan punasan mo leeg niya o kaya air dry. Pag naman masyado nang marami yong ganyan niya tas medyo may amoy 3x a day mo siya punasan ng cotton na may tubig tas airdry ulit. Pwede naman siya lagyan ng ointment, pareseta ka sa pedia pero para saken much better yong pupunasan mo lang siya ng cotton #SharingIsCaring💜

Magbasa pa

Make sure palaging malinis ang leeg ni baby specially after magdede. Petroleum jelly na purple baby flu na brand ang ginagamit ko at fissan na powder. After mag apply ng petroleum, add mo na ang powder. Yan ang ginagamit ko til now 2yrs old na ang baby ko. ok din yan sa mga rashes na cause ng diaper

TapFluencer

Hi mumsh ask niyo po pedia if okay lang gamitan ng tinybuds na in a rash or yung calmoseptine. Yung sa tinybuds po organic siya kso d ko p natry. un calmoseptine my zinc oxide. ngmit n ng ate ko sa LO niya saka un sa pinsan rn ni hubby, okay nmn result. pero ask prn po ung pedia pra sure

Pacheck nyo po sa pedia mommy kasi iba po yung pagkapula and parang naglalangib na po ata? You can try cetaphil po for the mean time. then pag maglungad po si baby punasan nyo agad ng warm water if ever umabot sa leeg. pwede din po kasi maging cause yung lungad pag di napunasan

pacheck up mo n sis.. skn nman s muka ni lo q mrmi rashes my konti lng s leeg..sv ng pedia s sobrang init dw yan.. dpt lging presko c baby at arw arw paliguan..nagreseta din xa ng cream s baby q,,ngaun nman tuyo n ung ibang rashes nya konti nlng..

try nyo po mommy lactacyd na baby wash ung blue po super effective nagkaganyan din po kasi baby ko and nawala simula nung ginamit ko saknya ung lactacyd na blue kikinis pa balat ni baby and lalong lalambot kutis nya 😊

5y ago

RASHES

Minsan dahil sa lungad, pawis, or milk yan. Punasan nyo lang po lagi ng maligamgam na water using cotton then punasan ng tuyo or air dry. Basta as much as possible maintain mo lang na tuyo lagi yang area na yan.