Ang nasa memo po ng SSS, dapat buo ang ibibigay ng employer na advance sa empleyado the moment na magstart ang maternity leave nito. Supposed to be, dapat abonohan ni employer ang amount ng maternity benefit ni employee at kapag nakapagpasa na ng MAT2 (pagkapanganak) at naverify ang medical records saka babayaran ni SSS si employer. Paiba iba po kasi policies ng mga kumpanya kaya iba iba rin ang proseso nila sa pagbibigay ng benefit. May mga kumpanya na ayaw i-advance ang benefit kaya sasabihin nila na saka ibibigay ang benefit kapag tapos na manganak ang empleyado.
Gian