Teaching your kids to share

Paano niyo po tinuturuan ang kids niyo na wag maging madamot ? yong anak ko kasi very selfish kahit na anong turo ko sa kanya na magshare ng toys niya with his playmates ayaw niya talaga.

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy, at first po mahirap po talaga turuan mag share ang toddlers natin kasi self centered p po sila. Nature po nila un. Wag din po siguro natin pilitin kasi baka lalo lang po nila kayo di sundin. Self play pa po kasi sila, di pa nila masyado naaapreciate ung may kalaro or ka share ng laruan. Maybe pwede po natin sila kausapin like, recognizing their feelings first. Ask them why they don't like to share their toys. Pwede siguro din po natin sabihin na, ung toy na di nya nilalaro at the moment baka un ang pwede nya ipahiram. Pede din po natin iexplain kay baby na pag lagi sya nagdsdamot or nangaaway kapag di nya nakukuha gusto nya, his friends might not like to play with him anymore. And we are the best examples po for our babies, if he sees na your sharing sa loob ng bahay, He will soon learn the essence of sharing. And maybe we can teach them also na if someone is using or playing with a toy He should ask politely and wait for his turn. Para po alam din nya ung feeling ng nanghihiram. Maybe he could learn from it po. More patience po mommy. In time po matututunan din po nya mag share

Magbasa pa

How old is your baby, Mommy? I've read an article which tells that you don't really tell toddlers what to do. Instead, you tell them the consequences of their actions. For example, in your situation, you can tell your child what will happen if he/she continues to be madamot. Maybe later on, wala na makikipaglaro sa kanya. Things like that. Apart from that, you may exaggerate praising him/her kapag nag share sya kahit minsan lang or konti lang. Natutuwa sila kapag pinapraise sila and they will keep doing it. Hope that helps! πŸ˜‰

Magbasa pa

Si Lo ko may times na selfish sya lagi nya sinasabi "samen to" kapag alam nyang gamit namin yun. Though tinuturuan ko sya how to share naman things and sinasabe ko na di na makikipaglaro ibang bata sakanya. Minsan nagsshare sya minsan kahit anong gawin ko ayaw nya kasi parang gusto nya ng assurance na kanya lang yung gamit which is parang normal pa naman sa age nya kasi andun pa sila sa stage na sinesecure nila ang mga gamit na alam nilang sakanila. Malumanay na pakikipagusap and explanations ng consequences lang din ma. πŸ™‚

Magbasa pa
VIP Member

Whatever it is that we want our child to be, should start from within. So, you have to be a good example to your child. While doing so, you also have to explain to them why you have to do it. Let them know na kapag naging mapag bigay sya, ganon din ang gagawin sa kanya ng mga playmates nya. And if in case pag damutan man sya, pabayaan nalang nya, pero wag nyang aawayin. And most importantly, wag nyang gagayahin.

Magbasa pa

sa anak ko kasi pag naglalaro sya sa labas may bantay isa samin ng daddy nya tapos pag may makikipaglaro sinasabi namin s kanya sa share sila ng toys hanggang ngayon ganun sya sumobra pa nga ilalabas nya yung mga toys nya tapos di nya lalaruin papalaro nya sa iba tapos makikipaglaro sya sa iba din😊kahit snacks nya share nya din sa iba😊

Magbasa pa

as a parent, you should be a main role model to them. di lang sa nanay pati na rin kay tatay. So show how to share inside your household. and tell your kids everyday to do the same outskirts. Kasi pag tinatakot mo sila ng tinatakot, it will turn out na they will share because they are afraid of something. Let the share as they are sincere.

Magbasa pa
VIP Member

hi egocentric pa sila at early age, di sila.pwedeng pilitin if ayaw nila or di pa nila naiintindihan un, kaya dapat turuan ng paunti unti, ganian ginagawa ko sa anak ko, sa kapatid niya madamot siya pero sa ibang bata hindi hahaha, ang kulits lang

baliktad naman saken, maaga ko sya naturuan ng sharing.. kaso ngaun namumuroblema naman ako kasi sobra ang sharing nya haha. schooling na sya ngaun, jusko po. kahit erasers pencils etc sinishare nia sya tuloy laging nawawalan ..

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-64127)

meron po akong nabasa naarticle na yung mga bata raw d nmn talaga nagdadamot.parang ang gngwa nila is ginaguard lng nila yung things (ex. toys) na valuable sa kanila kc ayaw nila itong masira. .