Teaching your kids to share
Paano niyo po tinuturuan ang kids niyo na wag maging madamot ? yong anak ko kasi very selfish kahit na anong turo ko sa kanya na magshare ng toys niya with his playmates ayaw niya talaga.

Hi mommy, at first po mahirap po talaga turuan mag share ang toddlers natin kasi self centered p po sila. Nature po nila un. Wag din po siguro natin pilitin kasi baka lalo lang po nila kayo di sundin. Self play pa po kasi sila, di pa nila masyado naaapreciate ung may kalaro or ka share ng laruan. Maybe pwede po natin sila kausapin like, recognizing their feelings first. Ask them why they don't like to share their toys. Pwede siguro din po natin sabihin na, ung toy na di nya nilalaro at the moment baka un ang pwede nya ipahiram. Pede din po natin iexplain kay baby na pag lagi sya nagdsdamot or nangaaway kapag di nya nakukuha gusto nya, his friends might not like to play with him anymore. And we are the best examples po for our babies, if he sees na your sharing sa loob ng bahay, He will soon learn the essence of sharing. And maybe we can teach them also na if someone is using or playing with a toy He should ask politely and wait for his turn. Para po alam din nya ung feeling ng nanghihiram. Maybe he could learn from it po. More patience po mommy. In time po matututunan din po nya mag share
Magbasa pa


