Paano maging kalmado

Paano makaraos ng gabing hindi nagagalit kay baby? Super iyakin nya ngaun almost 2 months nya at sobrang naiinis ako lalo sa gabi kapag iyak sya ng iyak tipong ginawa mo na lahat pero di parin sya matigil. Buong araw ko na sya inaalagaan magisa kaya sa madaling araw sobrang naiinis na ako, hindi ko naman maobliga asawa ko kasi buong araw din sya nagtrabaho. Minsan hindi ko maiwasan maging harsh kahit alam kong sobrang fragile ng baby. Hindi ko maiwasan sa sobrang inis ko galit na galit nako kahit baby palang sya pakiramdam ko nasasaktan ko na sya. Nakakarinde kasi yung iyak ng iyak ginawa mo na lahat lahat tapos parang kulang parin para kay baby. Nakakabaliw na kailangan kong harapin lahat magisa kahit na sobrang inis ko na kailangan ko parin sya alagaan. Ang hirap ng ako lahat

55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan po talaga mga baby lalo na't di pa sila maxado nakakakita iyak lng yan ng iyak, pero once po na nakakakita na cla mag iiba na po yan..laban lng momsh 😊

kung ganyan advice ko sayo umuwi ka sa pamilya mo sbhin mo na need mo n tulong at di mo tlga kaya patience mommy mahirap ng masaktan mo ung bata

I've been there pero intindihin mo din na panandalian lang yan, mamimiss mo din yang mga moment na yan promise!

baka po may nararamdaman si baby miii baka po kinakabag o kung ano di nman po yan iiyak ng walang dahilan

kailangan po natin mommy ng pasensiya hingang malalim po at kumalma ka isipin mo kaya mo yan