55 Replies
hello sis, ganyan din ako non, sobrang iyakin ng baby ko, tapos confused din ako sa kung anong susundin sa pamamaraan ng pagpapasuso. Ung tipong pipikit na sana ko para matulog tapos sya namang iyak ng baby, no choice kundi bumangon at buhatin sya para padede. Habaan mo ang pasensya sis, alam ko mahirap, pero makakayanan mo iyan. Samahan mo ng panalangin, makakatulong yan ng malaki sayo. Also sabe pedia kapag stressed or anxious tayo nararamdaman din iyon ng baby kaya sa kanila nag rereflect nasstress din sila. Kapag umiyak kantahan or kausapin mo, tapos banayad na sway/hele, padede. 😊
Valid yung feelings mo mommy. Feeling mo na hindi enough yung ginagawa mo, dahil after mong manganak, mag aalaga ka tapos iyak pa rin ng iyak. Nakakapagod at nakakastress. Maganda mommy ay kausapin mo si Mister. Mag open ka sa nararamdaman mo. Ganun kasi ginawa ko. Hindi naman sa sya ang dapat mag alaga pero yung may nakikinig sayo, yung napag sasabihan mo ng nararamdaman mo, yung may mag aadvice sayo, para atleast maremind tayo lagi kung ano ang dapat gawin at dapat mafeel natin kapag nabubugnot tayo. Ganun kasi yung nangyari sakin. Nagbabasa din ako ng quotes about mommy and baby.
buti nalang di ako nakaramdam ng ganyan,maswerte padin pala ako kasi may tmtlong samin para mag alaga sa baby nmin.sa iba nanay gsto nila sila mag aalaga sa mga anak nla lalo at ftm sila,pero for me di kz aq tulad nio na kailangan maging hands on sa anak nia at asawa. maswrte pa pala ako kz buhay prinsesa aq sa asawa q at sa pag aalaga ng baby... nways po i hope malmpsan nio po eto lahat lalo at wala kapo katuwang at alam q mhrap... kaya nkkblib po ang mga nanay na tulad nio na kahot hrap na hrap na still gngwa pdn best para sa pmlya nia.
same po tayo mamsh.. though me nkakatulong ako pagaalaga kay baby un ay tuwing umaga hanggang hapon, pero pagdating ng gabi at madaling araw ako nalang. me time na mjo nasigawan ko si baby ko kase 3am na nagliligalig parin siya dko alam ano gs2 nya, but bigla rin ako naguilt nun nakatulog na siya tpos tinitigan ko baby ko, naiyak nlang ako. kase di naman natin sila natatanong ano ba gs2 nila, ano ba masakit sknila, wala silang ibang way sabihin mga gs2 nila kundi ang umiyak lang.. ngayon talagang tinatyaga ko na lang, after a year babalik narin tayo sa normal.
totoo po. ganyan talaga feeling ko nasisigawan ko sya sa sobrang inis pagod at antok pero pag naging okay na sobrang nakaka guilty
Nakakarelate ako sayo mommy. Ganyan talaga minsan, napapagod tayo, tao lang din. Ang ginagawa ko pag pagod na talaga ako at gusto ko na sumigaw ay ibaba muna si baby sa bed, at magpakalma muna. Iiyak sila pero mas okay yun mommy kaysa sigawan sila. Nung 2 months si baby ay naka maternity leave ako, while working si hubby. Tinutulungan parin naman nya ako sa gabi. Kailangan mo sabihin sa kanya na need mo ng tulong. Hire a day helper mommy if afford, malaking bagay para di ka masyadong pagod sa gabi and mas kayanin mo pag nag iiyak ang baby sa gabi.
habaan mo pasensya mo sis, isipin mo nalang na makakaraos ka din,magbabago din si baby..baka matrauma sya at lalo maging iyakin sa pagiging harsh mo nakakaawa naman sya at ikaw di pareho kayo mahihirapan ,wala ka ba pwede makatulong magmalasakit manlang na tiyahin,biyenan o nanay mahirap talaga yan sis na wala manlang makahalili sa pag aalaga tas ganyan pa si baby mo.. iyak ka lang layo ka kay baby saglit pag nauubos pasensya mo tas ilagay mo sya safe hayaan mo sya umiyak baka kung ano pa maging cause sa harsh mo,sending hugs sis..
Mommy ganyan din ako dati. Ang hirap talaga pag mag isa ka lalo na at di pala tulog yung baby. Di mo talaga maiiwasang magalit kahit ayaw mo kasi nadadala ng emosyon. Ang daling sabihin na baby pagpasensyahan pero di mo talaga maiiwasan yan. Kaya masuswerte yung mga nanay na may ibang kasama sa bahay malaking tulong sila na kahit ilang minuto lng magbantay ng baby kase magagawa mong mag relax at ma reset ang emosyon mo. Kaya mii laban lang makakaya din yan.
nagka episode po ako na ganyan nung 2 months si LO. nakaka-guilty sobra dahil may dahilan pala bakit iyak ng iyak ang baby ko. that time po sisipunin pala sya kaya di makatulog at iyak ng iyak. kinabukasan nilagnat sya. then dinala ko sa pedia. malala na po pala sipon nya. kala ko normal na pagbahing lang ng mewborn dahil di naman talaga mukhang sinisipon. buti at agad ko napa check up. baka may dinaramdam po si baby mo mi.
Ganyan din po ako recently lang momsh! Sobrang nagwawala na nga ako kasi hirap na hirap na ko pati toddler ko napapalo ko na dahil sobrang pagod ko, Yung asawa ko katuwang ko naman sya kaya kahit papano gumagaan pero dko padin maiwasan ma stress talaga minsan naiiyak nalang ako sa sobrang pagod. Makakaraos din tayo momsh! Laban lang! Saludo ko sa kagaya natin na walang tulong ng iba pero lumalaban padin
Hi Mi, i feel you 1-2 months ganyan din baby ko may time pa nga na may gigil factor na nung nalapag ko sya. nakonsensya ako agad syempre haha. ganito ginawa ko kung pano ko nakasurvive kung feeling mo nagawa mo na lahat lahat sa baby mo at todo iyak pa rin sya at feeling mo sasabog ka na. *MAG CR ka. YES! CR Break is the key 2-3 mins. then balik agad kay baby check mo diaper, lagyan mo ng Calm Tummies baka kinakabag samahan mo na ng hilot, yakapin/kargahin or padedein. *Every time na nagpapadede/nagpupump ako nag sscroll ako sa online shop 😆 tamang add to cart lang na feeling ko kakailanganin ni baby(hanggang add to cart lang ako Mii) *Regarding sa asawa mo, konsensyahin mo Mii! or else no tulong, no eut ganern! HAHAHAHA *Sa mga side comments na naririnig mo sa pag aalaga kuno ng baby na alam mong di naman makakabuti sa anak mo NGITIAN MO LANG SILA, oo ka lang hahaha (pag tawanan mo lang sila sa utak mo kung gano sila kab0b0) HAHAHAHA ang mean ko dito pero legit nakakastress yung ma
Same mi 2 months 2 lang kami ni husband and may pasok din sya 3 to 12 pm pag uwi nya papatulugin nya muna ako till 4am sya ang mag babantay, nasa pag uusap din para makapag pahinga tayong mga nanay,kay baby naman, Check mo all over ang body kung may something pantal or whar, diaper, Or pag okay naman ang lahat ihele mo lang sya buhatin mo ilakad lakad sa house or sa room hanggang makuha nya yung tulog nya
Anonymous