55 Replies
Hindi ko gets kung bakit hindi mo oobligahin ang asawa mo sa pag aalaga e parehas kayong magulang? Kung buong araw syang nag tatrabaho, buong araw ka din namang kumikilos so patas lang kayo. Mas nakakapagod nga yung sayo kasi wala kang pahinga. Buti sya pag uwi ng bahay, nakakapagpahinga na kasi nga "di mo inoobliga" Responsibilidad nyong dalawa magtulungan sa pag aalaga ng bata. 50-50 dapat kayo. Alam mo bang prone ka sa post partum depression? Yang nararamdaman mong pagka iritable, pagka inis sa baby mo papunta na yan sa PPD. Sobrang delikado ng PPD kasi hindi nalang pananakit kay baby yung magagawa mo pag lumala, pati sarili mo masasaktan mo din. Kung nababalitaan nyo sa TV yung mga nanay na nababaliw after manganak. Aabot pa ba tayo sa ganon? Kailangan mo ng oras para sa sarili mo kahit 1 hour lang para ma clear yung utak mo at makaramdam ng peace of mind. Don papasok ang asawa mo. Hindi mo kailangan harapin lahat ng mag isa. Kaya ka nga may partner sa buhay from the word "PARTNER" kasi katuwang mo sya sa lahat ng bagay. Hindi lang naman financial provider ang role ng isang tatay. Role nya din maging "ama" at maging "asawa". Kung ganyan e naging single mom ka nalang sana. Para lang sa mga single mom yung ganyang role yung mag isa. Yung pag iyak ng baby normal yan lalo na kung naninibago pa lang. 9 months ang mga baby sa tyan, sa loob ng tyan natin tahimik don, warm, sariling mundo lang nila, Pag labas nila sa tyan natin mararamdaman nila yung hangin, yung lamig, yung init ng araw, yung maingay na paligid, yung gutom, yung pangangati sa diapers o sa kung ano anong nilalagay natin sakanila e nakahubad lang sila sa loob ng tyan natin, at yung takot kasi hindi sila familiar sa labas ng tyan natin. Mag aadjust sila ng ilang bwan bago masanay ulit. Isa yun sa role natin tulungan silang mag adjust. Makipag tulungan ka sa asawa mo momshie kasi nakakabaliw yang ganyang mag isa ka e dalawa kayong magulang.
buti nalang si baby ,hindi iyakin..medyo.lang..kahit puyat na puyat ako, sa pagpapadede ,okay lang.. mahirap tlga mi pag wala kang katuwang sa pag aalaga kay baby, i feel u.nung bago palang akong panganak, umattack tlga postpartum ko,dahil wala akong katuwang ,kasi nakatira kami sa biyenan ko,kasi grabeh ini inda ko yung sakit sa pwet ko ,dahil sa almoranas sa panganganak,di ako makaupo ng tuwid, at angs akit pa ng paa ko dahil sa ingrown..tlgang iyak ako ng iyak nun..kasi si baby tlga gigising sa 9pm,10pm,11pm and 12pm..tas 1am nanamn..1 hr lang interval,hanggang umaga, nakakpuyat tlga pag ganyang stage si baby,. iniiyak ko nalang yun, ..dahil sa nalulungkot din ako bigla at iiyak..pero di iyakin si baby..sabi ko ,okay lang ako mapuyat .wala lang akong ini indang sakit sa katawan ko ,kasi di ko ma aalagaan si baby.. ako lang mag isa inaalagaan si baby mi,.kasi hubby ko men in uniform,wala palagi sa bahay..sa ibang lugar kasi naka assign, grabeh mararanas mo tlga kung paano maging isang ina..pero worth it naman ... kaya mi laban lang,kaya mo yan...ganyan tlga mga baby sa mga ganyang stage..🥰pero after 3-4 months mag iiba na yan.🥰❤️😇..and take note mi, si baby ko ,1-2 months gustong gusto niya nasa dib2x ko,ako naman nakaupo sa pagpapadede sa knya at nakaupo din sa pagpapaburp.,nakakatulog siya ng mahimbing sa dibdib ko, at ako rin naman nakakatulog nalang kahit nakaupo,.hehehe..grabeh tlga yun..pero after 3 months.nag iba si baby, hahaha ayaw na niyang nka sandal sa dibdib ko na nakadapa.,gusto niya higa na siya..🤣😂..kaya mi, sulitin mo sa kakarga kay baby, kasi mamimiss mo tlga yan.promise.. tignan mo pict namin,.ganyan siya palagi nung start new born siya hanggang 3 months..nakakatulog ng mahimbing, pati ako tulog na nakaupo.hahahaha
Hello mommy! As a first time mom din, ramdam po kita. What you feel right now is valid po. I've been there. Baby ko since birth sobrang iyakin. Gusto nya lang laging kinakarga at ayaw palapag. CS mommy ako kaya sobrang hirap gumalaw ng first month. Umabot din ako sa punto na nag breakdown na ako dahil sa sobrang kulang sa tulog at stress. Nilagnat din ako dahil dun. Pero sobrang pasasalamat sa panginoon dahil binigyan nya ako ng lakas. Lakas para sa araw araw para malampasan lahat ng hamon sa buhay. I'm a single mom too and di ko nga din alam kung pano ko nalagpasan lahat ng challenges sa pagpapalaki ko sa baby ko kahit ako lang. Pero one thing is for sure mommy, hindi forever baby ang mga anak natin. Oo mahirap, at hindi lang mahirap sobrang hirap. Never naging madali ang maging isang magulang pero pinili natin 'to. Tayo mismo ang nagdesisyon na pasukin ang buhay nanay kaya kailangan talaga mag sakripisyo. Lahat ng pagod, puyat at sakit ng katawan mapapalitan yan ng kasiyahan. Time will come na hindi na tayo kakailanganin ng mga anak natin kaya let's make the most out of it habang kaya pa natin sila makarga. Try mo din kausapin partner mo mommy if pano mabigyan ng solusyon yung hirap ng sitwasyon mo ngayon. Baka pwde ka nya makuhaan ng kasama mo sa bahay na pwde maging katuwang sa pag aalaga ky baby or hindi naman kaya para may gumawa ng gawaing bahay para makapag focus ka ky baby. Let your partner know what you feel para aware naman sya at para matulungan ka din nya sa struggles mo. Laban lang mommy! Lilipas din po yan. Mag cchange din po so baby. Nag aadjust lang din sya dito sa outside world ☺️ Mahigpit na yakap mommy! 🫶
kaya umiiyak si baby kasi kelangan ka niya.. uu nakakapuyat.. nasa stage ka ng ganyan bwan e namumuyat talaga si baby.. tyagain mo lang possible Growth spurt yan ni baby .... yung baby ko nung nag growthspurt Whole day nagdedede sa akin as in naka latch lang Pag nilalapag umiiyak... kumakain ako nasa susu ko siya.. kasi ganon ang growth spurt bigla kasi sila lumalaki kaya ganyan at kelangan nila dumede ng dumede walang kabusugan minsan naglalast yan ng Isang linggo... pwede mo din siya iswaddle kung madali gumising dahil sa Moro reflex yung parang nagugulat kaya umiiyak ang swaddle naman pwede yan hangga't hindi pa dumadapa ang baby.. mas maganda swaddle yung may Velcro para iwas SIDS Sinu din may Sabi na di mo pwede istorbohin si mister? iba ang trabaho nila vs sa pagiging magulang.. katulad natin nanay kahit mag stay at home tayo ang trabaho natin nasa bahay madami din nakakapagod Pero inaalagaan pa rin natin mga anak natin dahil nanay tayo . Ganon din mga tatay may obligasyon din silang alagaan ang anak nila kahit na nag work sila.. Anu Pag tapos nila mag work hanggang dun nalang Pag uwi tulog nalang? yung asawa ko Alam niya obligasyon niya Pag napapagod ako sa Gabi tinutulungan niya ko kahit mag hele lang sa anak namin . kung puyat na puyat ako at need magpa breastfeed si mister pa naglalagay sa baby namin sa susu ko at Pag di ko kaya ipa burp dahil nahihilo ako siya ang nagpapaburp kasi tatay siya at pareho kami dapat magtulungan sa baby namin
Hello mi, i feel you.. ganyan din ako dati sa baby ko.. Ung iyak ng iyak at hindi mo alam kung ano ba gusto nila.. Mga first 3 mos cguro ng baby ko nun ayaw nya ng nakahiga sa kama, kahit anong hele gawin ko bsta lumapat ung likod nya sa kama magigising at iiyak sya kaya dati sa dibdib ko sya natutulog tas ako nakahiga sa mataas na unan.. syempre hindi dn ako mkatulog ng ayos nun kasi iniisip ko bka maipit ung ilong ng baby ko at hindi mkahinga kaya sobrang babaw ng tulog ko dati.. minsan nmn nakakatulog ako sa rocking chair tas nkasuot si bebe sken thru carrier.. hindi ko dn nmn maiasa sa partner ko minsan kasi nga maaga dn sya lagi gumigising para magwork at late ndn nkakauwi.. minsan naiiyak na lng ako na feeling ko mag-isa lng ako sa pag-aalaga kay baby tas lahat sila tulog na habang kmeng 2 ni baby ay gising pa.. tiis lng mi, magiging okay dn ang lahat.. check mo dn pla ung tunog ng iyak nila.. napansin ko kasi kay baby ko dati iba ung iyak nya pag inaantok sya at nagugutom sya.. ngayon 7 mos na si baby ko, nailalapag ko na sya sa kama though need ko pdn sya ihele pag antok sya bago ilapag sa kama.. minsan nmn pag antok at gutom kahit anong hele ko hindi sya makatulog.. dumedede sya sken habang nkahiga kami tas nakakatulog na sya.. bsta mi habaan mo lng pasensya mo, habang lumalaki si baby magiging okay ang lahat..
Luckily yung partner ko kahit may trabaho na panggabi pa at pagod sa byahe tinutulungan parin ako sa pag aalaga sa dalawa naming bagets (NB & 4y/o) at mga gawaing bahay kasi alam nyang yun ang role nya bilang tatay at lagi din nya sinasabi na gustong gusto nyang hands on din sya sa mga anak nya kahit mawalan pa syang tulog o pahinga. Kausapin mo asawa mo, sabihin mong kailangan mo ng tulong lalo na kapapanganak mo lang din at prone tayo sa PPD. Need mo ng support lalo na kung ganyan na nag lalash out ka na sa anak mo dahil burnt out ka na na ikaw lang lahat. Hindi naman natatapos sa pag pprovide financially ang pagiging ama at partner. Kung nagkaron uli ng instance na ganyan, try mo lumabas ng kwarto saglit kahit 3-5mins at huminga ka ng malalim basta make sure na safe kung nasan si baby then pag na compose mo na uli sarili mo balikan mo agad si baby. Nakaka guilty man pero minsan pag may ganyan eksena si LO, talagang ginagawa ko yan kahit umiiyak sya kesa mapag buntunan or maramdaman nya yung nararamadaman ko lalo lang sya magiging restless. I hope na maging okay ang lahat para sayo.
fear ko den to 🥺 17 weeks preggy pa lang ako ngaun, pero kasi, before ako magbuntis, naexperience kong algaan ng 1week ung pamangkin ng mister ko. Grabe hirap na hirap kami kasi napaka iyakin nya, to the point na nang gigigil ako. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin mag alaga ng baby ko, pero I guess I'll never know until nandito na si baby. Sabi naman nila iba na kapag anak mo. Mamsh, payo ko siguro manood ka ng YT about tips pag palaging naiyak si baby. Sabi nga ng ibang mommies natin, madaming reasons bakit iyak sya ng iyak. Baka may makati, baka uncomfortable sa suot, baka may kabag, baka hindi nakapag burf, baka may nararamdaman. I guess, feel ni baby pag nasstress ka na, kaya dapat lawakan mo pa siguro ung pangunawa kay baby. Instead of dwelling sa stress, isipin mo na ilang taon lang yan. Mas ok paren na naging hands on ka sa baby kesa ibang tao mag aalaga. Pag lumaki laki na sya, hindi na yan ganyan mahirap alagaan. Tyaga lang talaga siguro miii.. kaya mo yan.. 🤗🤗🤗
yes. hindi ko inexpect yung ganito nung buntis pa ako. since andito na si baby sobrang dami kong realization na kahit anong paghahanda hindi parin magiging enough. mas mahirap pala ang PPD. wala nako iba magawa kundi umiyak
Mi the best thing you do is talk to your partner. Mag-open ka sakanya. When it comes to parenting 101, laging mom&dad yan. hindi lang mom hindi lang dad, but both of you. Yes working sya pero that doesn't mean na excuse sya on other aspects of taking care of your child. wag nio pagaawayan or awayin sia, but talk in a consoling manner. yung iba dinadaan sa lambing. But never argue. Open it up. Lastly, never ibunton sa baby ang negative feelings mo it can cause you to think of something na hindi dapat may lead to doing it too. plus having negative feeling towards your baby can cause separation of feelings for their child. pwedeng lumayo loob mo saknya if sakanya mo binubuhos yung inis. yung galit na galit kana sa kanya is one thing na need mo i-analyze, can be cause by mental health issues. Always remember a healthy parent-child relationship starts with the parents. I pray for your healing not only physical but also mentally and emotionally. 🙏🏻🙏🏻📿
mii emmotional po tau lalo na kung kakapanganak mo palang di tlga maiiwasan nyan mii haloss lahat ng nanay nadaan jan pero mas emmotional ang mga baby kase nag uudjust palang sila sa outside world laban lang isipin mo mii lahat ng hirap at pagod mo mii maging worth it pag si baby ay healthy at bibo ganyan lg tlga ang mga baby lalo na kung 1-3 months old pero pag tumungtung yan ng 3-6 months sobrang worth it paghihirap mo lalo na kung makita mo sya na ngiti na sya sau tips kolang sau mii sana makatulong pilitin mo maging kalmado sa lahat ng oras kase nararamdaman ni baby ang nararamdaman mo kaya kung ikaw ay naiirita lalo sya mag kakaroon ng irtable dimo malalaman ang gusto maiiyak kanlang talaga maging mahinahon ka kahit sobrang hirap try mo din mii idapa sya sa dibdib mo at unting lambingin mo kausapin mo himasin mo makakatulog din yan isure molang mii na di na sya gutom wala syang reflux at ok ang diaper nya
saka mhie baka din po growth spurt din yan kaya iyak sya ng iyak.. Your baby will go through many growth spurts in the first year. They can cause your baby to nurse longer and more often. These growth spurts typically happen when your baby is around 2-3 weeks, 6 weeks, 3 months, and 6 months old. But your baby's growth spurts may not happen at these exact times. Growth spurts can happen at any time, and every baby is different. Growth spurts usually last a few days. Many babies are fussier during growth spurts and will want to nurse longer and more often, as much as every 30 minutes. It may feel like all you're doing is feeding your baby! But this is your baby's way of helping you increase your milk supply so that you can keep up with baby's needs. Remember, the more your baby nurses, the more milk your body makes. Once your supply increases, you will likely be back to your usual routine.
Shania Divino