77 Replies

VIP Member

Ako rin dati na bato ng eraser dhil sa kadaldalan ko. Pero okay lang nkpagtapos nmn ako ng pagaaral at disiplinado pa po. Mas mahigpit nga dati. Napapalo pa mga bata sa school. At lumalaking disiplinado di tulad ngyong panahon karamihan sa mga bata wala ng disiplina. Kausapin mo muna ang anak mo kung anong ginwa nya at tsaka kausapin mo an teacher. Doon mo palng dapat kausapin ang principal. May pagkakamali ang anak mo at teacher nya kaya parehas dapat silang madisiplinya in a nice way.

Kaya mga parents gawin pa din natin parte yung palakihin natin ang mga anak natin sa tamang asal at gabay pra hindi tayo nagkukulang sa kanila. Wag natin iasa lang lahat kay teacher ang pagdisiplina ksi minsan may mga pinagdadaanan din yan mga yan dahil tao lang din cla at may mga sarili din pamilya at maraming estudyanteng tinuruan. Samo't saring mga kabataan na hindi nman lumabas sa sinapupunan nya pro obligasyon nyang gabayan at turuan dahil yun ang propesyon nya

VIP Member

Naranasan ko yan nung hs ako, wala naman kaming reklamo ni mama lalo na kasalanan ko naman po. Para sakin ok lang depensahan natin ang anak natin kung wala naman silang kasalanan, pero kung pasaway at wala naman sa tama ang mga anak natin much better na hayaan silang harapin yung consequences ng actions nila. Para hindi sila lumaking walang respeto sa ibang tao. Para malaman nila na hindi sa lahat ngnpagkakamali nila sasaluhin at pagtatakpan natin sila.

siguro aalamin ko po muna kung bakit ginawa ng teacher yun, then mas mabuting mag usap sa principal para din aware yung teacher na hindi na dapat ginagawa yung ganun kahit may ginawa mang di maganda ang estudyante, ibang klaseng pagdidisiplina or parusa siguro na di mkakasakit.. then syempre pagsabihan ko din anak ko kung mali nya talaga.. unless, nasaktan ng grabe ang anak ko like nasugatan or nagkapasa, nabukulan o dumugo yung part na binato sa kanya.

VIP Member

part ng pagiging teacher ang desiplinahin ang anak mo natural lang yan kung ang anak mo sutil wag mo kunsintihin kaya ang mga bata ngayun ang lakas ng loob sagutin ang mga guro kasi may nanay na kunsintidor. kami nga mga batang 90's naranasan namin ang ma bato ng eraser hindi naman ng reklamo nanay namin kaya kami desiplinado kasi may mga teacher din na ng dedisiplina aside sa parents noon.

90s here din Grabe ung teacher namin noon kapag wala kaming pang reces pinapatau isa isa tapos papaluin pa ng stick sa kamay,papatayuin ka mag hapon. Ganun din ang parusa kapag nalista ka sa noisy at walang assignment... Pero di ko sinumbong sa nanay ko kc natatakpt din ako na mag away away..

VIP Member

Sa bahay namin, hindi namin sinasaktan ang mga bata para disiplinahin. There are different ways to discipline them. I would talk to the teacher and learn her side. Ipaiintindi ko ring hinding hindi namin hinahayaang masaktan ang bata sa bahay and lalong hindi ako papayag na saktan siya outside of the house. If my values and the values of the teacher/school does not align, hahanap ako ng ibang school.

Kausapin mo mna un anak mo sis. Then kausapin mo un teacher nya pra atleast alm mo reason y nangyari un kng bat gnn nangyari. Pero ndi enough reason kng makulit ang anak ( kng sakali un dahilan ng teacher nya) para mambato ng eraser. Dapat ginawa nlng ng teacher if ever ndi nagustuhn un gngawa ng student nya dpt pinalabas nlng ng classroom at pinatawag un parent pero un mambato its a big no for me.

Kung sa isa , dalawa o tatlong anak nangungunsumi na po tayo pano pa po kaya si Teacher na 40 mahigit ang sinasaway na mga batang may ibat ibang pag uugali kaya sana naman po bago tayo gumawa ng isang desisyon lahat po ng ang gulo tignan po natin tulad rin po nating mga nanay napapagod din po c Teacher hnd lang sa mga anak natin o sa school kundi pati sa bahay na rin po siguro nila.

Ask nyo po muna if anong reason,baka naman grabe ang tigas ng ulo ng anak nyo. Kasi tao lang din sila napupuno din. If alam mo ng meron attitude ang anak mo wag ka na magtaka na kahit ibang tao eh mainis sknya. Wag po muna one sided lang. Ilan tao na po ba ang anak nyo? Alam nyo naman na mas grabe pa paahon noon sa pagdidisiplina sa mga bata. Try to investigate first.

ang parents di maganda na batuhin ang anak pag may pagkakamali. kaya sino sila para batuhin ang anak ko. kung may pagkakamali ang estudyante ipatawag ang magulang. teacher sila. dapat mahaba pasensya at di nananakit. tungkulin nila na may matutunan ang bata na aral. hindi ang manakit... kahit sino pa may pagkukulang. ipaguidance nila. hindi sila dapat nanakit o mambabato.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles