My husband is a CHEATER

Paano ko mapapatawad ang asawa ko na nangaliwa at paulit ulit akong ginawang tanga? Malaman mo nga lang na may ibang kachat ang asawa mo masakit na, what more yung malaman mong may nangyayare sa kanila. Kahit sobrang sakit, gusto kong malaman lahat ng detalye kung paano,kailan at bakit. Hindi ko alam kung tama pa ba pero kahit sobrang sakit,pinipili ko parin syang patawarin at mahalin sa kabila ng mga ginawa nya sa amin ng anak nya

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

alam mo lagi ko sinasabi sa asawa ko pag niloko moko wala ng salisalita umalis ka ng kusa sa bahay dahil ayokong pumutok sa galit at mabroadcast sa mga kapitbahay na may other woman sya. swerte pako hindi babaero asawa ko sana Hindi magbago

Iwan mo na po. Sakin dati mag bf-gf palang kami mag cheat sya kaya nag hiwalay kami tapos nag kita kami ulit after how many years nagbalikan kami tapos yun nag cheat ulit masama pa nabuntis ako. Binalock ko na. Hindi na magbabago.

ay te.. pag ganyan, finish na.. tama na.. sige po alamin mo yung mga cheating details as much as you want, para the more na mas masakit, the easier for you na ma-realize na hindi na siya deserving for you and your child

Nako momsh, napakasakit niyan pero kailngan mo tanggapin at mahalin naman sarili mo. Kung paulit ulit na, di na yan mag babago, hihingi ng tawad tapos gagawin ulit.. save yourself and your children😊

iwanan mo na po, sa una ka lang massaktan pero atleast di na paulit2 yung sakit na mararamdaman mo, love yourself may anak ka sa knya ka magfocus.

once na pinatawad mo ang lalaki sa panloloko niya uulit ulitin na niya yan. hindi rason ang anak para tiisin mo ang pambabababae niya.

Kung paulit ulit na ginagawa mii let him go. Di mo deserve masaktan. Just love yourself you desrve to be happy.

hiwalayan mo na sis, kung ulit ulit di na mag babago yan, life time nyan papasamain loob mo kaka babae nya.

paulit ulit na pala. wag mo na patawarin mi. prioritize mo na sarili at anak mo. para matuto.

leave him, know your worth, he doesnt deserve your love...