One day you'll just find yourself na suko ka na. Mahirap sa mahirap talaga pero di mo kailangan kayanin lahat. Wag kang martyr. Bigyan mo ng chance yung ibang tao na mahalin ka lalo na bigyan mo ng chance yung sarili mo. Kung ganyan na pala nararamdaman mo, y not let go? Pero before ka bumitaw, exhaust all options. Mag open up ka sa asawa mo about sa nararamdaman mo talaga. Subukan mong baguhin yung trato mo sakanya baka matauhan. Pero wag na wag ka magloloko. Wag mo ibalik sakanya yung mga ginagawa niya sayo. Mahalin mo naman sarili mo. kahit konti lang. Alam ko yung feeling na ganyan, pinagkaiba lang di ko siya asawa, boyfriend ko pa lang. Tiniis ko lahat sa loob ng 5 years. Paninira, pang gagago, pananakit. Hanggang sa isang araw tinanong ko sarili ko "ganito ba gusto ko habang buhay? kung magkakapamilya kami, ganito ba gusto ko maging ama ng anak ko? ganito ba gusto ko maging pamilya ko?" pero tiniis ko pa rin ng isang taon kahit paulit ulit ko tinatanong sa sarili ko yan hanggang sa nagkaron ako ng lakas ng loob na umayaw na talaga. Ilang buwan after namin maghiwalay, nakilala ko yung asawa ko ngayon. And masasabi kong sobrang swerte ko at sobrang blessed. Sobrang thankful na bumitaw ako noon, dahil don nakilala ko pinaka mabait at pinaka mapagmahal na tao. Ngayon we are expecting a baby girl🥰 and finally masasabi kong "I'm home." Sana ikaw rin. Ipagpepray kita. Keep praying. May plano si Lord sa'yo. Godbless and stay safe!
Anonymous