Married Life

Paano ka mag titiwala? Paano ka maniniwala? Kung paulit ulit kanalang niloloko at sinasaktan? Is it worth it? Sobrang confused na ako.. Kung ano ba itutuloy ko paba? Mas priority pa yung bisyo, barkada sa inuman, sugal.. Ang hina ko. 😌 Kunting.. Lambing.. Kunting yakap. Ayos na ulit. Bakit ganon mga mamsh? Mahal padin natin yung tao? Kahit paulit ulit nalang tayo pinapahirapan. Kahit miserable yung buhay na binibigay satin ng asawa natin? Hindi ko alam. Hindi naman tayo mag bubunganga kung walang dahilan. Lahat naman yun para sa ikabubuti lang ng family natin. Nakakainggit lang kasi yung ibang mag asawa na alam mo yun. Blessed sila sa husband nila. Hindi ko alam.. Im facing my consequences. Siguro sana hindi nalang siga ang pinili ko. Sana hindi nalang ako nagtaksil sa ex ko noon. Na sana hindi ako naboring sa ex ko, sana hindi ko nasabing too good to be true yung ex ko. Ang hirap kasi. aayaw mo sana ikumpara. Kaso nakukumpara mo dahil sa ugali at pinapakita niya. Yung asawa ko iba magmahal.. Ang sakit.. Nakakasakit.. Sino nakapangasawa ng ganito? Yung hindi nakakabless na asawa? Yung pag ikwekwnto mo sa ibang tao... Wala kang magagandang masasabi sakanya... Hindi ko alam.. Nagkamalj nga ata ako sa taong ito. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para tapusin na to. Hirap na hirap na ako

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

One day you'll just find yourself na suko ka na. Mahirap sa mahirap talaga pero di mo kailangan kayanin lahat. Wag kang martyr. Bigyan mo ng chance yung ibang tao na mahalin ka lalo na bigyan mo ng chance yung sarili mo. Kung ganyan na pala nararamdaman mo, y not let go? Pero before ka bumitaw, exhaust all options. Mag open up ka sa asawa mo about sa nararamdaman mo talaga. Subukan mong baguhin yung trato mo sakanya baka matauhan. Pero wag na wag ka magloloko. Wag mo ibalik sakanya yung mga ginagawa niya sayo. Mahalin mo naman sarili mo. kahit konti lang. Alam ko yung feeling na ganyan, pinagkaiba lang di ko siya asawa, boyfriend ko pa lang. Tiniis ko lahat sa loob ng 5 years. Paninira, pang gagago, pananakit. Hanggang sa isang araw tinanong ko sarili ko "ganito ba gusto ko habang buhay? kung magkakapamilya kami, ganito ba gusto ko maging ama ng anak ko? ganito ba gusto ko maging pamilya ko?" pero tiniis ko pa rin ng isang taon kahit paulit ulit ko tinatanong sa sarili ko yan hanggang sa nagkaron ako ng lakas ng loob na umayaw na talaga. Ilang buwan after namin maghiwalay, nakilala ko yung asawa ko ngayon. And masasabi kong sobrang swerte ko at sobrang blessed. Sobrang thankful na bumitaw ako noon, dahil don nakilala ko pinaka mabait at pinaka mapagmahal na tao. Ngayon we are expecting a baby girl🥰 and finally masasabi kong "I'm home." Sana ikaw rin. Ipagpepray kita. Keep praying. May plano si Lord sa'yo. Godbless and stay safe!

Magbasa pa
4y ago

Ngayon ko lang nabasa ito sis. Maraming salamat sis. I wish you all the best in life. Godbless you 🥰