pa rant mga sis

Palabas ng sama ng loob mga sis haha. March 2020 start ng quarantine diba, start din na walang trabaho asawa ko tapos nag redundancy sila nitong may 2021 lang. Mula march to dec never kami umasa sa parents namin kasi may ipon naman kami kahit nanganak ako ng June 2020. Andito kasi ako sa parents ko nakatira since wala naman sila kasama pag bumukod ako, di kami palamunin dito kasi ako gumagastos ng pang araw araw mula pa noon hanggang ngaun. Tapos nitong mga May 2021, medyo nagigipit na kami since d na kalakas ung online business, pero never pa kami humingi ng tulong sa kahit na kanino. 2 pala anak namin 😅 isanh 4 y.o at 1 y.o na nitong June 2021 kasi nanganak ako June 2020. Tapos nag aabot ung parents ni hubby ng pera pambli ng gatas diaper kaya inaaccept namin akala kasi namin tulong. May 2021 lang sila nagstart mag abot. Tinatanggihan namin minsan kaso pinipilit nila ibigay. Minsan kapatid ng asawa ko nagbibigay (panganay) 2nd si hubby bunso yung tomboy. Mula pandemic naghahanap na ng work ulit si hubby. Until now hirap talaga kase maghanap ng work. Tpos ngayon eto na issue: Kamakailan lang, naging issue ung pag aabot ng tulong ni byenan sa mga bata. Inissue ng nga kapatid ni hubby. Tapos nanghiram kami ng laptop saglit, nag open kami ng chrome naiwan ung fb ni tomboy (bunso nila hubby). So gumana ang pagiging maritess ko since mainit dugo nila samin sa issue ng sustento. Grabe, nanlumo ung paligid ko. Habang nag babasa ako nanginginig ako. Convo ni Tomboy at ng Gf nya, tinatawag nila kami ng asawa ko na BALIW. Tapos yung gf ni tomboy, sinasabihan ng MAKAPAL ANG MUKHA ni asawa. BATUGAN etc. Nanlumo ako, kasi kahit kailan di namin sila inistorbo para sa pagkain ng mga anak ko, lalo na yang GF ni tomboy, never ko yan hiningian ng tulong. Nakikisawsaw daw ako imbis na ipush ko daw yung asawa ko eh kinukunsinti ko pa daw. Paawa effect daw kami. Tapos yung ate ni hubby at si bunsong tomboy, pinag uusapan nila ung asawa ko, na kapatid nila. Na batugan daw, tamad, di na nag bago, ang tanda tanda na daw sustentado pa. Grabe naiiyak ako sa mga nabasa ko. Kasi di nila alam at nakikita ung effort naming mag asawa para makahanap ng trabaho. Tama lang ba na magalit kami sa kanila? Feeling ko, tinatapak tapakan lang kami ng ganon. 😢 kahit na never namin sila hiningian ng tulong, may nasasabi silang ganon. Gusto ko ilayo at ipagdamot mga bata sa kanila , grabe lang 😢

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung yung mga byenan mo wala namang sinasabi at mga kapatid lang naman ang kontrabida. hayaan mo nlang, maybe naiinggit sila kasi napapaboran kayo ngayon at sila hindi. Maganda ngang inisin nyo sila kesa magalit 😂 tanggapin nyo lang ng tanggapin ang tulong na binbigay kasi blessing yan at di nyo hiningi. siguro naman pag nakakaluwag luwag na kayo maibabalik nyo din yung tulong na binigay nila. Hayaan mo nga Evil sister inlaw mo, hahahaha mamatay sila sa inggit.

Magbasa pa
3y ago

Oo nga sis. yun nga, halatang inggit talaga. Hirap talaga kapag may inggetero sa pamilya. Nagagatungan pa ng jowa ni tomboy kaya nagkaka ganyan ugali ni tomboy