Pa-vent naman mga mamshie.. Iām 15 wks preggy and I have three cats. Cat lover ako and si hubby, keri naman sya sa mga cats ko pero when I got pregnant, super protective na sya. Due to risk of toxoplasmosis, ayaw na nyang hinahawakan ko cats ko. Sya na nagpapakain and everything. Di na din sila pinapapasok sa bahay although may room sila na sarili at sa window sila napasok sa room na yun. My OB advised din naman to limit my interactions with my cats. OK naman ako sa arrangement kasi di naman sila pinapabayaan.
Kaso ngayon, nagkasugat yung male cat ko e pinaka-attached ako dun kasi bigay yun ng late mother ko. So need painumin ng antibiotic at lagyan ng wound spray. Naiiyak ako kasi halos ayaw nyang alagaan ko yung pusa. Ayaw nyang hawakan ko e ang rough nyang ihandle pag susubuan ko na ng antibiotic. Ako lang kasi yung makakapagpainom dun sa cat kasi ako ang nagpalaki dun. Nag papractice naman ako ng hand hygiene after pero everytime na paiinumin namin, nagtatalo kami. š Yun lang talaga ang laging pinagtatalunan basta tungkol sa pusa š Dun lang ako na-stress.š OA daw ako pagdating sa pusa ko and talagang napagtataasan ako ng boses. Parehas ba kaming OA or reasonable ba sya sa reaction nya? Ayoko na kasing nastress kami pareho lalo ako at baka pati si baby mastress din. Wala namang ibang mag-aalaga kasi nakabukod kami at wala kaming ibang kasama sa bahay.