Feeling ko ginawa na ako'ng katulong

Pa vent lang po wala kasi ako mapagsabihan maliban sa partner ko. Nagrerent po kami, kasama po sa bahay yung family ng kapatid ni LIP para narin nakamura sa upa ganun. Nakamura nga po pero para po ako'ng katulong. Ako lang po kasi ang nagme-maintain ng bahay simula sa pagpupunas ng sahig, pag-aalis ng agiw, paglilinis ng cr, pagwawalis labas at loob, pagdakot ng tae ng aso, pag alis ng panghi ng ihi ng aso, pagluluto ako. Yung kapatid ni LIP twice a week umuuwi dito kasi malayo work niya. Bali ang andito lang lagi is yung asawa ng kapatid ni LIP at yung anak niya na grade 7. Gigising po tanghali, kakain nalang. Tapos hugas kuno ng mga pinagkainan nila tapos balik sa kwarto na naman. Hihilata maghapon. Tapos yung ate ni LIP umuwi nga diman lang makapaglinis ng bahay kahit kwarto nila. Alam ko naman na rest day niya yun pero hindi ba pwedeng magpahinga siya ng isang araw tapos kinabukasan eh tumulong siya sa mga gawaing bahay? 7 months pregnant pa ako pero halos ako lahat gumagawa. Mga salaula pa hindi marunong maglinis. Nag hugas nga ng pinggan diman lang mapunasan yung lababo at lamesa. Tapos may gana pa magreklamo eh Hindi nga tumutulong. Yung anak niya na grade 7 hindi pa marunong maghugas ng pinggan, ni magwalis wala talaga. Pati mga pinagkainan ng tsitsirya hindi matapon sa takang basurahan. Ang siste ako pa magtatapon. Tiktok lang alam nakakabanas. Tapos ngayon gusto pa papasukin sa loob yung aso kasi pang loob daw ng bahay yun. Eh ihi ng ihi at tumatae sa loob yun hindi naman siya nagtatanggal ng tae. Pati ihi hindi niya matanggal tanggal pero kung makapag reklamo kala mo may ambag talaga. Rarason pa na basahan lang naman daw yun okay lang maihian. Sa isip-isip ko "edi ikaw maglaba. Bili kana rin sarili mong basahan pati sabon". Nakaka stress lang po kasi hindi talaga sila tumutulong.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bumukod kayo, umalis kayo jan at kumuha kayo ng sariling place. If hindi kayang bumukod, magtiis. 😊