EX FUTURE MIL???

Pa share lang mga sis. Medyo mahirap mag move on noh kapag yung mother ni ex nakikipag communicate parin sayo. Ganito kasi yun, almost 3yrs. kami nung ex bf ko. Hindi naman kami nag live in pero before halos samin na siya tumira because of his work schedules. Also maayos rin naman pakikisama ng family ko sa kanya. Same rin naman yung family niya towards sakin. Though hindi pa ako ganung ka close or ka comfortable (mahiyain kasi talaga ako ?) sa kanila maayos naman pakikitungo nila sakin. In a few days 37weeks na akong pregnant. Naghiwalay kami last September. Wala kaming maayos na usap when we broke up. Pero yung mama niya nakipag usap sakin even sa mama ko. Siya pa ang nag apologize in behalf of his son's actions (bukod kasi sa pang iiwan may ibang gf na si guy). Then from time to time kinakamusta niya ako and gusto pa akong bisitahin. Syempre out of respect naman nirereplyan ko siya. Wala naman akong sama ng loob sa kanila sa anak lang talaga nilang walang kwenta. Na appreciate ko rin naman na inaalala niya parin ako kaya lang syempre nasa stage pa ako ng pag mo-move on. Im trying to avoid the things na makakapag paalala sakin about my ex. And since wala nga kaming maayos na usapan nung ex ko ayoko sana makita ni ex yung anak ko unless siya mismo magsasabi sakin (bitter na kung bitter). Pero sa actions ng mama niya nararamdaman kong gusto niya magpakalola, alangan naman sabihin kong pag pinadalan ko siya ng picture ni baby wag niya ipapakita sa anak niya ?..Haizt

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwede mong gawing term and condition yon sa ex mil mo na wag ipakita sa ex bf mo pic ng anak niyo unless yung ex mo mismo yung manghingi sa'yo. Karapatan mo magdemand since wala naman ata sila masyadong naaambag sa pregnancy mo. Although nakakatuwa nga na ganon. Pabisitahin mo nalang sila if gusto talaga nilang makita yung apo nila but picture is a no no muna. Yaan mo silang maghabol kay baby para marealize nila kung gaano kahalaga yung sinayang ng anak nila. Be strong!

Magbasa pa

Swerte ka nga momsh may pakialam padin sayo yong ex biyenan mo. Kung sa iba yan baka hinayaan kana lang. Wag mo sila idamay sa kung ano man ang problema nyo ng ex mo. Kasi labas sila don. Yong apo nila gsto nila makita, ipakita mo. Sila nalang papuntahin mo sainyo.

5y ago

Oo naman momsh super na appreciate ko naman yun. Kaya nga medyo naguguluhan ako. Ok lang din naman sakin na bumisita sila. Medyo naaawa na nahihiya nga lang din ako sa kanila kasi parang feeling ko sila pa yung nauubliga imbes na dapat yung anak nila.