Money money money

Pa- rant po dahil nabbwisit na ko sa partner ko. Kakakuha ko lang ng mat ben ko, eto ngayong bf ko naging kampante kasi may nakahanda na agad pera sa panganganak ko. Parang lahat ng gastos gusto niya dun kukuhain, gusto niya worth 20k ang ilalaan sa grocery sa kanila dahil dun namin balak mag stay muna kasi may mga aso sa amin, nainis sya nung sinabi ko sa kanya na hindi namin uubusin sa groceries un, tapos gusto pa ng nanay niya na siya nalang ang bayaran namin ng 5k a month instead na kumuha ng katulong para mag alaga kay baby pag balik ko sa work. Sakin ok lang naman na mag abot sa nanay niya paminsan minsan. Pero ung mag papabayad ka pa para alagaan ang unang apo mo, parang nakakatawa naman yun. Sila nga nag insist na dun kami tumira sa kanila pansamantala para makaipon pero feeling ko hindi mangyayari un. Sinabi ko sa bf ko na sana maghati kami sa hospital bills para di naman agad ubos tong nakuha ko, pero prang wala lang sya narinig, sa totoo lang lahat ng gamit ni babay ngayon skonst nanay ko nagpundar, kahit isang pirasong lampin hindi pa niya naibibili si baby, ung pangako niyang crib hanggang ngayon pangako pa rin manganganak na ko sa feb 1. Alam ko may pera sya. Pero tinitipid nia kami mag ina.

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka tumira dun.. Ung mga alaga niong aso, pa gawan or ilugar muna sa malayo sa inio ng baby mo.. Ung bf moing walang kwenta, iwan mo muna pansalamantala pra matuto.. Manganganak ka tapos kargado mo lahat.. Kawawa ka nian at baby mo. Wag ka po paabuso..

Kung gusto niyang ganyang setup sis naku dun ka na lang sa inyo. Demanding ha! Iniipit ka naman sa pera. Kung trip niyang dun ka sa kanila then siya mag provide ng pang grocery nila. Wag ka maglabas ng pera dahil responsibilidad niya yun.

Para sa akin lang, ok lang naman yung mga aso siguraduhin lang na araw-araw nag lilinis sa inyu, kaya di kailangan dun kayo manirahan sa bahay ng bf mo... Kami ng mga kapatid ko lumaki talaga na may aso sa bahay, ok lang naman kami.

5y ago

Tama dapat malinis lang lagi sa paligid. Ako nga 5 ang pusa ko sa bahay. Wala naman mga sakit anak ko.

Wag mopo ibigay lahat ng pera mo sabihin mo kailangan mo magtabi para kung magka emergency lahat ng perang nakuha mo ilaan mo sa baby mo. Saka wag ka papayag bayaran nanay nya sobra na yun tulong nalang nila yun sayo.

Naku maistress ka nyan kpag ganyan.. Kung ako sau mas ok dun ka nlng sa parents mo.. Mas ok un.. Lalo kpa mastress paglabas ni baby..nku di pwede un need mo phinga maayos bka mabinat kpa..

Paano nyo po na-claim ng maaga yung mat ben nyo? Kasi di ba po isa sa requirements pag ik-claim na yung mat ben is birth certificate ng baby nyo issued by the local registry (city hall)?

5y ago

Depende po kasi sa comoany yun momsh. Saakin po kalahati lang ang binigay kaya dina masama.

Hindi talaga kayo makakaipon dun. Mas maganda pa magbukod kayo kaysa nakapisan. Buti samin ng asawa ko halos hati kami ng gastos. Although mas di hamak na malaki kita ko.

VIP Member

Nako mamsh walang bayag yang bf mo! Naiimbiyerna ako! Doon ka na lang sa parents mo. Yung mga aso pwede nman maiayos ng pwesto yung mga yon

Kong may utak rin yang Bf mu hndi niya kukunsentihan nanay niya na magpa bayad pa sa pag aalaga ng anak niya. na first apo pa lol 😅

Kung responsible yang bf mo dapat kayo ni baby priority nya. Dun ka sa parents mo mas maiistress ka pa pag dun kayo tumira sa kanila.