Tagtag
Pa-rant lang po ako. I'm currently on my 38th week at as we all know, dapat nagtatagtag na ako. Naglalakad naman ako tuwing umaga kasama "asawa ko" these past few weeks kaso napahinto dahil nag umpisa ng umulan ulan dito sa lugar namin. So, natigil ako magtagtag almost 2 weeks ago na. So, my MIL at mga kapatid nya keeps insisting na maglakad ako kundi mahihirapan ako. Alam ko naman yon and naiintindihan ko na concern lang sila. Pero napepressure ako, kasi di rin naman na ako masamahan ng boyfriend ko maglakad lakad dahil sa trabaho nya eh ayoko naman magtagtag magisa. Ngayon lang pinag usapan ata nila ako kasi biglang nagchat boyfriend ko sabi magtagtag naman daw ako para syang galit. Naiyak ako. Bat feeling ko pinapagalitan nya ako. Eh hindi lang naman ako makapag lakad kasi ayoko nga ng solo ako tsaka medyo hirap na rin kasi ako kumilos sumasakit sakit na rin kasi tiyan ko. Ayoko ng gantong pakiramdam. Maarte na ba ako nito.