Tamad na Yaya

Pa-rant lang ng konti. Nakukunsume ako sa yaya ng anak ko! Mas matagal pa ang idle time niya sa buong araw kesa iattend ang baby ko. Siguro kasi madaming tao sa bahay na pwedeng mag-alaga or tumingin kay baby. Pero naman! Para magcellphone habang nanonood ng tv at nakataas pa paa?! Gusto ko na talaga siyang sisantehin kaso mahirap makahanap ng yaya sa panahon ngayon! Kunsumisyon!

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo po muna. Baka hindi sya aware sa work nya. Kung ganun pa rin ang gawa nya, better look ka na ng ibang yaya. Kaysa mastress ka sa kanya pero dapat maging careful ka na sa pagpili mo.

VIP Member

Kausapin mo muna. Lay down the rules kung kelan sila pwede mag cellphone or manood. But make sure also na she has enough time to rest. If hindi umayos, tsaka mo paalisin.

VIP Member

alam dn po nila in demand sila kya malakas loob nila. mahirap maghanap yaya, triple ang hirap makahanap ng matinong yaya

3y ago

Yan nga ang hirap momsh. Alam talaga nila na indemand sila kaya ang lalakas ng loob na gawin kahit ano gusto nila! Lugi pa ko sa binabayad ko dito, nuknukan ng tamad! Maha-higblood pa ko.😡

Tanungin mo sino kamo sa inyo ang amo at sino ang namamasukan🤣 taas pa talaga paa ah. Kagigil

Baka hindi naman daw pagyaya yung pinasok niya yun?