Nakakapagod na maging wife

Pa rant lang mga mi, napapagod na kasi ako. Kahapon kasi nag aalmusal kami ng mga kids, habang karga ni hubby si 3 months old baby, ang dami niyang utos like palitan ng diaper, punasan yung pawis, ilabas sa sala yung duyan..sunod sunod as in di ko pa naitapon yung diaper may kasunod na naman na utos kahit alam niyang nag aalmusal ako, so nasagot ko na "wait lang naman di pa nga tapos sa isa may utos ka na naman" . Ayun galit na galit naghahamon na agad ng away, galit daw ba ako etc .. bandang huli sabi "kung ayaw mo mautusan, lumayas ka na" kesyo feeling ko daw kawawa ako dahil inutusan niya. Btw, sinabi niya yan sa harap ng 8 yrs.old daughter namin.. ang sa akin lang naman, kaya niya naman gawin bakit need pa iutos sa akin e nagbbreakfast ako while nagpapakain din sa 2 grade school ko.. konting respeto sana kasi paspas naman ako kumain mapa bfast,lunch or dinner pa yan..e siya nga inaabot ng 1 oras pag kumain dahil sinasabayan ng nood sa youtube, never ko siya inistorbo. Hindi ko din ugali mag utos kahit sa mga bata kung kaya ko naman gawin.. nagpapatulong lang ako pag ililipat yung duyan sa sala dahil mabigat at pahirapan ilabas sa kwarto yung bakal na sabitan..hindi ito yung 1st time na pinapalayas ako..actually tuwing nagaaway kami..ayaw niya kasi na sumasagot o nangangatwiran ako..gusto ko nang umalis kaso ayaw ko naman iwan mga bata..malapit na matapos ang school year.. sayang naman kung biglang hindi makakapasok dahil isasama ko sa malayo.. ngayon silent treatment na naman peg niya at kagabi late ng 1 hour sa pag uwi at ayaw makipag usap so anong malay ko kung saan pumunta at anong ginawa..3rd time na yan na nagpa late ng uwi dahil nag away kami..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung day off niya nagreklamo bakit tambak labahin, e hindi ko naman inaasa sa kanya, nagkataon lang na umulan 3 days magkakasunod kaya naisip ko sa off niya ako maglalaba para may mag asikaso kay baby at makapag focus ako sa mga gawaing bahay.. kung siya daw kaya niya malaba while nagbabantay kay baby.. nakakasama lang talaga ng loob yung tone & words na ginagamit niya.. pag galit siya lagi niya sinasabi na tamad at tanga ako. minsan may kinukwento siya pinagdidiinan niya yung words na tamad at tanga(di pa kami nag aaway niyan mga mii) pero tinatamaan ako kasi yun ang tawag niya sakin pag galit siya.. nakakapagod na, lagi niya ko pinagtataasan ng boses pero kahapon lang tumaas boses ko dahil sa sunod sunod na utos niya pero galit na galit agad siya..masyado bang mataas tingin niya sa sarili niya at mababa ang tingin sa akin kaya ganun na lang ako i treat?

Magbasa pa
2y ago

gusto ko mag heart to heart talk kami para mailabas ko feelings ko pero sa tuwing magsisimula ako nauuwi sa away :( bandang huli ako lagi ang mali.. wala akong friends na makwentuhan, sa family ko lalong hindi pwede dahil ayaw ko naman na magalit sila sa kanya..taong bahay lang talaga ako..gising ng 4 am para maghanda ng breakfast ng mga bata bago pumasok sa school..idlip konti pag alis nila(ako lang naman kasi nag aasikaso kay baby sa magdamag so puyat ako talaga) asikaso kay hubby bago pumasok..gawa ng gawing bahay, laba, linis, plantsa, hugas plato..kung ano lang ang maisingit sa pag aalaga sa 3 months baby ko..luto.. asikaso sa mga bata paguwi galing school,.. pag uwi ni hubby sa gabi karga lang sandali kay baby, ako na maglinis magbihis at magpatulog. .pagkatapos niya magdinner tulog na baby hihiga na lang siya .. pinagmamalaki niya na "tinutulungan" niya ako pag naglaba siya (bihira lang naman at puro damit niya), at pag siya nagkarga kay baby which is responsibility niya rin nam