Pa rant lang mga mi, napapagod na kasi ako. Kahapon kasi nag aalmusal kami ng mga kids, habang karga ni hubby si 3 months old baby, ang dami niyang utos like palitan ng diaper, punasan yung pawis, ilabas sa sala yung duyan..sunod sunod as in di ko pa naitapon yung diaper may kasunod na naman na utos kahit alam niyang nag aalmusal ako, so nasagot ko na "wait lang naman di pa nga tapos sa isa may utos ka na naman" . Ayun galit na galit naghahamon na agad ng away, galit daw ba ako etc .. bandang huli sabi "kung ayaw mo mautusan, lumayas ka na" kesyo feeling ko daw kawawa ako dahil inutusan niya. Btw, sinabi niya yan sa harap ng 8 yrs.old daughter namin.. ang sa akin lang naman, kaya niya naman gawin bakit need pa iutos sa akin e nagbbreakfast ako while nagpapakain din sa 2 grade school ko.. konting respeto sana kasi paspas naman ako kumain mapa bfast,lunch or dinner pa yan..e siya nga inaabot ng 1 oras pag kumain dahil sinasabayan ng nood sa youtube, never ko siya inistorbo. Hindi ko din ugali mag utos kahit sa mga bata kung kaya ko naman gawin.. nagpapatulong lang ako pag ililipat yung duyan sa sala dahil mabigat at pahirapan ilabas sa kwarto yung bakal na sabitan..hindi ito yung 1st time na pinapalayas ako..actually tuwing nagaaway kami..ayaw niya kasi na sumasagot o nangangatwiran ako..gusto ko nang umalis kaso ayaw ko naman iwan mga bata..malapit na matapos ang school year.. sayang naman kung biglang hindi makakapasok dahil isasama ko sa malayo.. ngayon silent treatment na naman peg niya at kagabi late ng 1 hour sa pag uwi at ayaw makipag usap so anong malay ko kung saan pumunta at anong ginawa..3rd time na yan na nagpa late ng uwi dahil nag away kami..