Pa rant lang po, Nakikitira sa bahay namin mga pinsan ng lip ko. Mga parasite

Pa rant lang mga mamsh since stress na ko and Hindi ko alam Pano ilabas tong inis ko sa mga kamag anakan ng lip ko na Nakikitira samin na daig pa parasite, 9months pregnant na ko ngaun. Yung bahay na tinitirhan namin ngayon is sa lip ko at nakiusap ung mama Niya na patirahin muna ung mga pinsan niya (tatlong magkakapatid) dito samin, yung age nila mga nasa 30+ na so mga matatanda na at may mga trabaho naman. Okay lang Sana, Ang problema Nakikitira nanga lang sila akala mo mga boss amo kung umasta, mga Hindi marunong makisama. Kahit maghugas ng pinagkainan nila Hindi pa magawa, yung isang pirasong plato, kutsara at tinidor nalang Hindi pa mahugasan parang may katulong na sumusunod sa kanila. Tapos yung isa nag uwi ng gf dito Kasi buntis din daw dito muna daw makikitira (pansamantala?) Yung lip ko kahit ayaw Niya, Hindi Niya matanggihan yung pakiusap ng mama niya. Parang kami pa nag aadjust sa mga ugali nila. Kumuha ako ng Yaya Kasi malapit na ko manganak para may kasama kami ng lip ko na mag alaga sa baby ko,. itong mga pinsan ng lip ko akala siguro para sa kanila ung kinuha ko na Yaya. Sobrang kakapal ng mukha. Libre nanga sila lahat dito bills, pagkain pati sa budget namin kasama pa sila .. ang tatamad naman kumilos sa bahay. Mga Wala nanga ambag pati nagdala pa ng gf ung isa palamunin din kahit maghugas Hindi rin magawa. Kala mo mga senyorita. Sarap ingudngud sa lababo. San po kaya sila humuhugot ng kapal ng mukha? Sobrang bait ng lip ko Hindi Niya mapagsabihan yang mga kupal niyang pinsan kasi ayaw Niya magalit mama Niya, pero iniipon Niya lang din yung inis Niya at pagkabwisit niya sa kanila. Hindi ko na po alam gagawin ko. Mukhang Wala sila balak umalis dito dahil libre nga lahat. Parang Wala silang mga hiya🙄

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kausapin nyo po sa mahinahong paraan, kasama ang LIP at biyanan mo po sis. Hindi kalabisan kung bawat nakatira sa bahay ay mag aambag sa gastos at gawaing bahay, total may kanya kanya namag trabaho.. liwanagin mo rin na ang kinuha mong yaya ay para sa inyo since kayo naman ngababayad.. unless nalang kung mag aambag din. kung mamasamain nila, mas mainam na lumipat sila.. pinatuloy nyo sila para makatulong, hindi para stress dapat na nila ipagpasalamat na may natutuluyan sila.. kailangan nyo po maging mahinahon...

Magbasa pa