Need your opinion mga mommies

Hello. Bali nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Kase si Lip may unang anak and 1yr old pa lang. Ngayon buntis ako at kabuwanan ko. Yung anak nyang una is nasa nanay at nag susupport financial na lang si Lip. Then ngayon yung nanay ng anak nya is di padaw ready maging ina at gusto ibigay samin yung bata. Sa part ko okay lang pero naiisip ko pano pag nanganak na ko. Nakatira kami ngayon sa MIL ko. Lagi naman namin nahihiram yung anak nya pero kung full time alaga di ko alam kung pano. Minsan nga di na ko naeexcite sa baby ko kase ngayon palang parang nagttraining nako 😅 btw 1st time mom ako. Iniisip kong umuwe samin pag nanganak ako pero ayaw naman ni Lip, iniisip ko kase pano ko maaasikaso yung baby ko at sarili ko. Para tuloy namimili samin si Lip at nahihirapan sya. Pano bang pag aadjust gagawin ko? Nahihiya din ako dito sa MIL ko kase nakikitira kami hirap ako kumilos kase side ni Lip to tapos biglang ganto pa sitwasyon. Parang napaka unfair lang kase yung ex ni Lip gustong magpaka enjoy tas yung support sa Lip ko padin.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, wala ba ibang kamag anak yung bata? Di naman sa pagiging selfish, pero paano mo nga naman maaalagaan yung bata na 1yr old at full attention pa ang kailangan kung ikaw mismo may inaalagaan din at nakikitira pa kayo? Pwera na lang kung superwoman ka at kaya mo magawa yun. Ask yourself din kung maaalagaan mo ba sya ng maayos.

Magbasa pa
4y ago

Meron naman pero di din daw nila kaya alagaan kase working silang lahat. Then ngayon balak kumuha ng yaya pero isipin na lang diba na pandemic hirap makahanap tapos stay in dapat e kami nga nakikitira lang sobrang nakakahiya kay MIL.