Stressed much

Pa rant lang ako mga sis. Gusto ko lang talaga maglabas ng saloobin ngayon. Nakaka bwiset lang kasi. Gusto kami pauwiin ng byenan ko sa kanila sa QC. Kami kasi taga SJDM Bulacan kami. E ang lockdown dito effective sa Sunday na. Di ko lang magets bakit kina kailangan nila kami pauwiin don. Anong rason? Hindi ba nila maisip na once lumabas kami dito sa amin e hindi na kami papapasukin kahit taga dito kami? At matatagalan pa bago mangyari yun? Ang gusto pa nila ibyahe pa namin yung anak ko. Btw my son is turning 11 mos and motor lang ang gamit namin. Ano ieexpose ko sa byahe sa labas anak ko? Nakakaloka. Isa pa ang init init sa kanila which is dry season na nga kasi, at nga pala nakikisiksik lang kami sa kwarto ng bayaw ko if ever dun kami matutulog. Ang anak ko pawisin pa nasanay sa aircon. Iniisip ko lang ang magiging lagay ng anak ko alam nyo yan mga mommies. Oo sabihin na nating namimiss nila apo nila pero para ano magtagal kami dun? Ako na naman ang papahirapan nila? Ano hanggang April? BIG NO. Ok naman kami dito e sa awa ng Diyos. Di naman kami nawawalan ng stocks. Hindi naman din kami maglalalabas. Bakit kelangan dun kami sa kanila magstay nakaka bwiset lang at sila na naman ang nagdedesisyon. Ugali na nila yan. Sila ang nagdedesisyon sa lahat pati sa amin lalo na kung kelan kami uuwi sa kanila e andito na nga kami nakabukod malaya kami. Basta ako anak ko ang iniisip ko dito. If ever may advice kayo feel free. Pero sana walang mag bash o kung ano man. Salamat

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi s hindi natin nirerespeto in laws natin pero syempre kailangan natin unang isipin ang mga anak lalot bb pa. Ako kinu consider ko yung hospital, facilities in case ng emergency na mas.malapit. At syempre yung aircon, aircon is life☺️

6y ago

Yun nga sis e. ako priority ko lang naman anak ko yung magiging lagay nya at lalo na kung ok ba sya ganun. Di ko maintindihan bakit magdedesisyon sila ng basta basta. Ako nanay e tayo ang magulang dapat tayo ang masunod