Stressed much

Pa rant lang ako mga sis. Gusto ko lang talaga maglabas ng saloobin ngayon. Nakaka bwiset lang kasi. Gusto kami pauwiin ng byenan ko sa kanila sa QC. Kami kasi taga SJDM Bulacan kami. E ang lockdown dito effective sa Sunday na. Di ko lang magets bakit kina kailangan nila kami pauwiin don. Anong rason? Hindi ba nila maisip na once lumabas kami dito sa amin e hindi na kami papapasukin kahit taga dito kami? At matatagalan pa bago mangyari yun? Ang gusto pa nila ibyahe pa namin yung anak ko. Btw my son is turning 11 mos and motor lang ang gamit namin. Ano ieexpose ko sa byahe sa labas anak ko? Nakakaloka. Isa pa ang init init sa kanila which is dry season na nga kasi, at nga pala nakikisiksik lang kami sa kwarto ng bayaw ko if ever dun kami matutulog. Ang anak ko pawisin pa nasanay sa aircon. Iniisip ko lang ang magiging lagay ng anak ko alam nyo yan mga mommies. Oo sabihin na nating namimiss nila apo nila pero para ano magtagal kami dun? Ako na naman ang papahirapan nila? Ano hanggang April? BIG NO. Ok naman kami dito e sa awa ng Diyos. Di naman kami nawawalan ng stocks. Hindi naman din kami maglalalabas. Bakit kelangan dun kami sa kanila magstay nakaka bwiset lang at sila na naman ang nagdedesisyon. Ugali na nila yan. Sila ang nagdedesisyon sa lahat pati sa amin lalo na kung kelan kami uuwi sa kanila e andito na nga kami nakabukod malaya kami. Basta ako anak ko ang iniisip ko dito. If ever may advice kayo feel free. Pero sana walang mag bash o kung ano man. Salamat

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay naku madami talagang intrimitidang in laws.. Dko nilalahat ah.. Sila ung marunong pa mag desisyon kesa sayo.. Lalu na pag dating sa. Baby,.sila nga di ma pag sabihan ung sariling anak nila.. Nakakapikon rin minsan, gusto mo mag salita sa knila pero lalabas ka pang bastos or walang utang na loob.. 🤷‍♀️🙄

Magbasa pa
5y ago

Totoo sis. Super agree. Ang byenan ko pinalaki nya yung mga anak nya na hindi sumasagot o nagdadahilan man lang sa kanya. Kaya yung mga anak nya takot na takot sa kanya isang sabi lang nyan sunod agad sila. Kaya pati samin gusto nila i apply. E ako syempre nasasakal ako tsaka kasi hindi tama. Magulang narin ako e bakit kelangan pakealaman pa nila kami. Come to think of it na lang ang asawa ko hindi narin bata yan pamilyadong tao na yan, kami, bakit pakekealaman pa nila kami at tsaka isa pa hindi sila dapat ang nagdedesisyon lalo na pagdating sa anak namin

VIP Member

Hindi s hindi natin nirerespeto in laws natin pero syempre kailangan natin unang isipin ang mga anak lalot bb pa. Ako kinu consider ko yung hospital, facilities in case ng emergency na mas.malapit. At syempre yung aircon, aircon is life☺️

5y ago

Yun nga sis e. ako priority ko lang naman anak ko yung magiging lagay nya at lalo na kung ok ba sya ganun. Di ko maintindihan bakit magdedesisyon sila ng basta basta. Ako nanay e tayo ang magulang dapat tayo ang masunod

Hayaan mo sila sis. Basta gawin mo ang makakabuti kay baby at sa family mo. For safety and protection nyo, wag muna bumyahe. Delikado lalo na may baby kayong kasama.

5y ago

Yun nga ang akin sis. Bakit hindi man lang nila maisip yon at nagdedesisyon sila ng basta basta. Ako ang nanay ng anak ko e tayo ang magulang diba tayo dapat ang masunod, hays.

VIP Member

Don't stress yourself! Ikaw na nga nagsabi na okay na kayo jan, so jan nalang kayo. Mas safer jan kesa dito sa metro Manila, medyo padami na ang kaso dito.

5y ago

Totoo naman kasi ok lang kami dito wala namang problema yun ang punto ko talaga. ang nakaka stress lang talaga e yon kasi nga sila ang pilit na nagdedesisyon

explain mo na lang ng mabuti sa kanila momsh na you cant risk it. hindi pa 1 year old anak mo at pinoprotektahan mo lang sya.

5y ago

Naku sis sana nga ganun lang kadali para sa kanila yon na umintindi. baka ako pa nga ang lumabas na masama at bastos. Sa ugali lang nila na gusto nila sila lagi nagdedesisyon

Pangit sa qc. Traffic and populated masiyado.

5y ago

True. wala e gusto nila sila masunod lagi kahit hindi yon ang mas makakabuti para sa anak ko kala mo sila magulang e. Kala mo mga bata pa kami na kelangan pakealaman pa kami