in laws problem

Pa rant lang ako mga mi, napupuno na kasi ako sa mil ko. Una kong kinainisan sa kanya nung bagong panganak ako ay ipahiya sa labas ng bahay nila dahil nakita nyang naligo na ko after 3 days of giving birth at naka short lang ako at sando grabe ang mga sinabi kesyo nag hahanap ako ng kamatayan ko, pina lampas ko lang yun kasi tahimik lang din talaga ko at may respeto sa kanya kahit papaano. Itong pangalawang kinainisan ko naman na sya pa ang nag tampo ay nung pinakeelaman nyang paliguan ang lo ko syempre di ko rin alam bakit sobrang inis na inis ako wala pang 2 weeks nun simula nung nanganak ako, yung ligo kasi na ginawa di manlang nalinis kasingit singitan ng anak ko wala manlang ako nagawa sa harap nya kasi baka kung ano masabi, pinagalitan pa ko dahil maga raw pusod ng anak ko, nung tinanong ko naman ob ko ang sabi di naman namamaga. Ang ginawa ko nagsabi ako sa partner ko, pero nung nag sumbong ako sa partner ko kinompronta nya pala agad mama nya ayun bandang huli ang nasabi akala purong puti raw ako may ibang kulay pa pala. Sa buong pag sasama namin ngayon lang ako nag inaso dahil para sa anak ko yun pero ganon pa ang nasabi, kung pwede lang ipag damot sa kanila yung bata. Ngayon di nya ko pinapansin pero ganon din ako sa kanya. Wala pa rin kasi akong balak pansinin sya hanggat di nya pangunahan dahil ayokong ako pa mag please sa pamamahiya niya

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaming nakabukod pero ilang hakbang lang layo sa bahay ng in-laws ko. Valid yang nararamdaman mo, nakakainis talaga pag mahilig makialam, ganyan din sa akin kahit mabait naman sya.

1y ago

same po. ilang bahay lang pagitan. even yung mga kapatid ng mil ko eh may mga comment lagi. sinabi ko yun sa hubby ko. and pinagsabihan niya yung mil ko na wag akong papakialaman kasi hindi ako matututo kung lagi silang nakikialam. after that, hindi na sila nakikialam. pa comment comment lang minsan. pasok sa isang tenga, labas sa kabila. ganun na lang ginagawa ko