HAVING FAITH IN YOUR HUSBAND
Pa-labas lang ng sama ng loob mga Mommies. I think I don't love my husband. I have stayed for our daughter. I couldn't get myself to trust him in everything. Lagi ako naghihinala. Lagi ko siyang nakokontra. Hindi ko alam. Siguro dahil nasa trabaho siya lagi paguwi niya tulog agad. Ako ni social life o makakita ng labas hindi ko magawa. Stay at home Mom ako. Wala kaming katulong, walang maasahan at I don't have anyone to rely on except myself. Tapos nararamdaman ko pa na parang kahit kausapin ko husband ko regarding sa pahinga ko lahat pangakong napako na. Ngayon he broke a rule na inimpose niya saakin. He hasn't allowed me to confirm guys nangaling from work namin dati kahit kakakilala ko naman. Umalis na ko from that company a year ago. So marami ng pumasok na empleyado. Makitakita ko siya friend niya sa FB yung mga babae katrabaho niya hindi naman niya personal na friend as in workmate lang. Naiinis ako kasi binibend niya own rules niya. Ako sinunod ko siya hindi. Ang daing pa niya sakin yung mga past na nagawa ko ganito ganyan. Yun ang isinusumbat niya kaya niya nagawa yun. Ang point ko is breaking his own rules. Pero hindi niya ako magets. Nakakalungkot. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko kaso kada ganon niya parang gusto ko ng sumuko.?