Pa help po sa rashes ni baby

Pa help namn po kung anong mabisang gamot sa rashes nang baby ko po, na pa check up ko na po peru hindi tumalab lahat, nag restoderm cetaphil na rin wash at lotion nya, wa epek pa rin, na try nya na calmoseptine, fucidin, lucas papaw, cornstarch, nag change na din kami nang diaper. Try din cloth diaper wlaa pa rin..di ko na alam gagawin ko? see pics po , meron din sa may leeg, sa kili kili at sa likod nang tenga nya.

Pa help po sa rashes ni baby
143 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

try mo po suggestions nila na cream.pero dapat po make sure laging tuyo yang part na yan... dahil di po.talaga gagaling kapag laging basa sa part na yan

wag mo muna diaperan sis ganyan dn SA baby ko.nag tiis kmi lagi basa SA Gabi KC d ko sya nilagyan Ng diaper.tpos pahiran mo Ng alovera jel or calmoseptine

Post reply image
4y ago

pero magaling na sya now

Lgi mo syang huhugasan momsh kada tanggal ng diaper nya bsta maligamgam na tubig palagi. Try mo drapolene po o kaya ung calamine lotion pwede un sa rashes

4y ago

Mabisa po drapolene s anak ko lng po iyan po gmit nmin.

punasan nyo po warm water.. put some petroleum jelly po.. wg nyo po muna suotan ng diapher sa umaga kht sa gabi nlng po sguro.. pra ma preskohan..

jusko po mom.wag mo lagyan diaper yan hanggat hnd nawala rashes .kc lumala yan pag hnd nka singaw.tiny buds powder gamitin mo bili ka sa mercury

Drapoline po pang diaper rash talaga siya. sa night niyo nalang po muna idiaper si baby tapos hayaan niyo po na nakakasingaw ung pempem niya

itry nyo po na kada palit ng diaper ay hugas lang po ng tubig. wag na po kayo gumamit ng bulak then make sure na tuyong tuyo po sya para dry

Maligamgam lang na tubig ang pang hugas mo mi tapos tuyuin mo agad wag mo munang lalagyan ng kahit na anong pamahid baka mas lalong lumala

lagaan mo po ng dahon ng bayabas at ipampunas sa mga rashes nya .. natural na effective pa☺ try lang po , baka umepek din sa baby nyo.

Mustela po gamit ko sa baby ko 5 mos na sya next week never pa nag ka rashes kasi mamula pa lang nilalagyan ko agad tapos mamawala din