Toxic parents/family ☹️

Pa advice naman po mga mommy! Dapat naba kami mgbukod ng asawa ko🥺 Nakatira kami sa side ko tapos yung mga magulang ko ayaw sa bf parang nagalit na din sila sakin. Pati mga kapatid ko ang sasama ng ugali samin kasi yung mama ko mahilig magkwento parang naiinggit siya palagi kapag my mga bago kaming gamit or bumibili kami sa labas ng food. Parang nakkipg competition sila samin dapat meron din sila kapag meron kami, mahilig din magparinig. Wala rin siyang personal space pnapakeelaman niya mga gamit namin tapos narrinig ko pnaguusapan nila. Nagttaka ako samantalang kadugo nila ko pero sobrang toxic☹️ toxic na talaga parents ko dati pa kaya galit sila sa asawa ko kasi akala niya pnigilan ako mg work para makatulong daw saknila pero nag stop ako dahil gawa nga ng nabuntis ako. And hindi parin nila alam na buntis ako hanggang ngayon dapat ko pa rin po ba sabhin saknila? Deserve po ba nila? After lahat ng insulto,pagpaparinig nila samin. Pa advice naman po gusto rin mglabas ng sama ng loob😔 nakakastress na kasi and I know masama para samin dalawa ni bb🥺

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i believe na kapag may asawa/lip as much as possible bumukod na to avoid conflicts. kung nasa puder ka pa din ng parents mo, required kayo ng partner mo na makisama. hindi rin naman siguro masama na hindi mag share kapag mayroon kayo. actually wala ka maibubutas sa parents mo regarding privacy kasi kayo yung nakikituloy.. in my case, nakabukod kami na parang hindi 😅 ung kitchen kasi namin, connected din sa kitchen ng parents ko pero may privacy pa din kami kasi may sarili kaming bahay. i guess i got lucky kasi kahit bf ko palang si jusawa, tanggap na sya ng parents ko. before din kami umabot sa ganitong set up kinausap ko separately si jusawa kung ok ba sa kanya kasi hindi maiiwasan na may mapansin sila kay jusawa and baka sumama loob nya. sabi lang ng asawa ko, wala naman prob sknya kasi hindi naman daw sya sasabihan kung hindi sya mali.. at the same time, kinausap ko din parents ko and yun nga ok naman daw kasi sa 7yrs namin mag bf wala naman daw silang naging prob (btw were 10yrs together this yr) siguro nakahelp din kaya walang conflict bw my jusawa and parents is that, di madamot asawa ko. when buying things, he always consider my parents like "ano ba gusto nila papa at mama dito" ganun. also, siguro it helped din na di sobrang pakilamera parents ko like theyre so chill 🤣 di sila mapag hanap. to add, my jusawa have no parents na thats why sabi nya, dito nalang kami sa tabi ng parents ko kasi ayaw nya ko ilayo sknla at the same time sobrang mahal nya sila. nung buhay pa din parents nya, wala dn ako naging prob.

Magbasa pa

Ganyan din ugali ng mother ko sis pero buti nalang hindi sakin ginagawa kasi nakabukod kami, pero sa kuya ko na may pamilya narin at kasama nila sa bahay. ang reason naman ng kuya ko kaya di sila nag bubukod kasi ung mother ko din ang kawawa kasi di naman nila kaya na sila lang. kaso naaawa naman ako sa kuya ko since sya na ang bumibili ng pagkain sa bahay tas gusto pa sya pa ang mag gagawa sa gawain bahay samantala nandun naman ung bunso namin kapatid na pwede na maasahan sa mga simpleng gawain bahay kaso pag inutusan ng kuya ko nagagalit ung mama ko. tas itong mama ko pag may ibang tao pinaparinggan ang kuya ko at pinapahiya. may ugali din kasi talaga ang mother ko since noon pa. pinagsasabihan ko mother ko tsaka ung bunso kong kapatid kaso madalang lang ako napunta sa kanila kaya diko alam ang nangyayari sa araw araw na buhay nila. itong mother ko kasi mukhang gusto ata i asa sa amin mga obligasyon nya sa anak nya.

Magbasa pa
2y ago

Ewan ko nga po mommy kapag dito kasi sa pinas ninonormalized na malaki utang na loob mo sa magulang mo dahil sila nagpalaki sayo bumuhay kaya responsibilidad mong mag balik ng utang na loob. Paano naman kapag paasawa na yung mga anak nila diba? ang ending ikaw pa mag mumukhang masama once hindian mo ng isang beses. Wala tayong maggawa magulang natin sila kahit masama pa sila satin.

hi there! ive been going on therapy sessions since april and so far ok nman been dealing with the same issues for the longest time Toxic relatives, ayaw ng masaya ka, pinagtatawanan ka sa pinaka down moments mo and they often doubt my abilities. i still live w them bc we have no choice/ due to circumstances since we also have 3 babies di pa namin kayang mag solo. eto advise ng therapist ko sakin reg abusive relatives.. it's best to disassociate urself from the abuser, meaning remove them completely out of your life.. u might be thinking how? if we live on the same room? well, choose to ignore, do not respond ganun lang. if di pa nyo kayang bumukod pero best advice parin is humiwalay na kayo ng hubby mo sainyo. there's nothing wrong in removing toxic people in ur life whether it's your parents pa.

Magbasa pa

umalis kana lang po jan ganyan nangyari sakin nagalit sila sa asawa ko kasi binuntis daw ako wala na sila aasahan sakin buti mabait asawa ko kinuha na nyako naka hinga na kami ng maluwag ngayon walang nangingiilam samin . minsan kasi kung sino pa kadugo mo yun pa mag papa stress sayo pero syempre mag kakapamilya kana dpat may sarili kana desisyon tiis muna tlga pag umalis kayo jan ng asawa mo ang mahalaga mag kasama kayong dalawa nag tutulungan para sa baby nyo .. ako nilayasan ko tlga e bahala na sila tama na yung tumulong ako dati kasi marealize mo yan na parang kung di ka pala na buntis o mag asawa kung sakali ikaw na pala bubuhay sa kanila aasa at aasa sayo .. tpos pag ikaw na nangailangan nganga ka sa kanila

Magbasa pa
2y ago

pareho tayo mommy pero ako pareho kong binubuhay ang pamilya ko at sila. minsan gusto ko nang sukuan at layasan sila pero sa huli naaawa din ako kasi wala naman silang income. ang tanda ko na pero panah hindi maganda ang naririnig ko sa nanay ko. lahat ng bagay hinahanapan ng mali. toxic pero hirap din umalis.

ganyan din ako sa side ko. ayaw nila sa partner ko. nagstop din ako work gawa buntis nagalit sila sa partner ko kasi kung di dw ako binuntis edi sana nakakatulong prin ako sknila. galit papa at kapatid ko skin at sknya.. ang gnwa ko lumayas ako smin, don kami sa side ng partner ko atleast don welcome kami pati ang baby sa tyan ko.. pero ngayon, bubukod ndin kami kasi toxic ndin dto sa side partner ko andto lahat hipag bayaw ko. tska ganyan ndin ang issue kung ano meron kami dat lahat sila dto meron din. best decision talaga is magbukod kapag bumuo kayo pamilya pra wala mangealam.

Magbasa pa

Mas ok talagang may sariling space mi ☺️ unang una do it you want sa sarili mong space wala kang iisipin na may mangengeelam sayo tsaka dapat pinaalam mo di maganda yung itinatago ang blessing na baby kahit kanino blessing yan at may bf kang kasama gumawa nyan ok sana mahiya ka if ever umuwe ka nalang sa puder nyong preggy na walang kasamang bf ☺️ wag kang paka stress may ganyan din akong friend halos lahat pinakekelaman sakanila hayaan mo lang mother mo baka nabigla at may kalive in kana agad

Magbasa pa
2y ago

Hindi ko naman po kinakahiya mommy sobrang proud ko at saya ko nga po nung nalaman namin buntis ako, actually nga nag bbalak ako this coming june5 sa sched. ko po sa OB ko kapag my gender na si baby atsaka picture ng ultrasound ayun ipapakita ko sakanila kaso nagddalawang isip ako, like my pake ba sila sakin kung ipapakita ko pa? parang ganon po nag ddoubt ako🥺 and definitely po ippost ko ultrasound ko sa socmed dahil wala po akong knakahiya. Thankyou mommy sa advice! and regarding po sa po sa friend nyong toxic better to cut it off po sa life niyo, na experience ko narin po yan sobrang peaceful nung cinut off ko sila sa buhay ko!❤️

Better sabihin mo din na buntis ka, para may idea sila kung bakit ka din nagstop sa work. malay mo mag-iba treatment nila sainyo? baka may hidden agenda kase kaya ganun trato nila. baka gusto ng fam mo na magsikap kayo para makabukod po. Baka kase iniisip nila na for life na kayo sa bahay ng parents mo kaya bumibili ma din kayo ng gamit sa bahay. suggest ko lang

Magbasa pa

yung binili mong gamit ?gamit nyu lang ni bf mo ba or asawa? xempre bahay ng mga magulang mo yan. separate ba food nyu nila parents mo samantalang nakikitira ka u? pansin ko sa mga lowland like pangasinan asawa na ang turing sa bf kahit di pa kasal? bigyan nyu naman ng gap ang asawa at boypren. bumokod na ka u kung feeling mo toxic sa bahay nyu.

Magbasa pa
2y ago

Opo? mappilitan kami bumili kasi dinadamutan nila kami my time na tnatago nila yung food pati gamit. My sarili kami food dahil paano nalang kapag umasa kami wala lalo kami kakainin. Ano po dapat itawag partner? educate me. Hindi pa po kami kasal pero ang awkward naman kung ttawagin ko parin jowa/bf yung mgging tatay ng anak ko at ksama ko narin sa isang bubong. Bnbgyan naman po ng "gap" mommy alam ko naman po mappunta rin kami don at hindi nagmmdali sa ngayon focus muna kay baby dahil nauna siya and i don't think na may mali don. Ty sa advice mommy!

pag po mag aasawa na. need pi talaga na bumukod. hindi po pwedw na bibili kayo ng food na wala sila dahil kahit anak ka need mo makisama dahil may ipinapakisama ka sa kanila. u should also tell them na buntis ka. yes deserve nila malaman dahil kahit anong ugali nila anak ka parin naman.

pag po mag aasawa na. need pi talaga na bumukod. hindi po pwedw na bibili kayo ng food na wala sila dahil kahit anak ka need mo makisama dahil may ipinapakisama ka sa kanila. u should also tell them na buntis ka. yes deserve nila malaman dahil kahit anong ugali nila anak ka parin naman.