Breastfeeding to bottlefeed

Pa advice naman po ano po dapat ko gawin kay baby ko kasi gusto ko na po siya iswitch sa bote kasi pure breasfeed siya sakin since sept10. Pero ngayon po pag pinapadede ko siya nhihirpan po ako huminga at nagkaka-anxiety po ako at nadedepress at the same time.. tnatry ko po sya sa avent bottle at nestogen formula ayaw po niya at nagwawala. Ano po dapat kong gawin? Tia po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Humingi ng advice sa pedia, kung gusto mo na talagang i-formula si baby. Tandaan ang breastfeeding ay para kay baby. Mag-pump kung kinakailangan. Natural lang na sayo gusto ni baby kumapit, plus yung paninibago sa lasa. Humanap ng bote/tsupon na magugustuhan o aakma sa kanya. Advice sa akin noon, ang magpapadede ay ibang tao wag ako (bago ako bumalik noon sa work, mixed feeding kasi ako), at lumabas ako sa kwarto. Nanay ko ang nagpapadede sa bote, alam daw ni baby na nandun ako at nararamdaman niya ang presensya ko. Again, mas mainam if makipag-coordinate kay pedia para mas magabayan ka ng maayos.

Magbasa pa