P299 Engagement Ring: RED FLAG ba o OKAY LANG?
414 responses

of course, Yes! Sa tagal ng relationship namin ay alam ko na ang financial status nya at Di naman sukatan ang price tag sa worth ng pagmamahalan namin. Akala ko nga yang engagement ring ay pang mayaman at celebrity lang, eh wala kami engagement ring for more than 8 years na magjowa, pero okay lang. Nagpakasal kami na SA bangketa lang ang ring tag 50 pesos until now di pa rin fade. Inuna kasi namin ang career namin dalawa, gusto nya kasama nya ako sa pagbuo ng dreams namin. Ngayon ay 24 years as couple and 15 years married: master mariner na sya at accountant na ako pero Di pa rin kami bumili ng mamahalin dahil gusto namin e-invest sa future namin especially na magkakababy na kami. Napag-uusapan ang lahat ng bagay especially kung alam nyo ang priority ninyong dalawa.
Magbasa pa
