Toxicity

okay. pa rant lang mga momsh . wala na kasi akong mapagsabihan saka I feel really bad. medyo Long post. Yung husband ko Graphic Designer yung oras ng work nya is afternoon till night. minsan umaabot ng graveyard shift, gaya ngayong oras na to. the thing is, alam kong pagod sya kasi ilang oras na syang babad sa screen. ( well may sideline din syang ginagawa as of now collectible art toy ) nasisingit nya namang gawin yun while he's working. okay naman ang afternoon namin umalis ako saglit para mag prepare ng gagamitin sa pang birthday ng Son namin sa 27. when I got home okay naman kami. until kanina he's about to finished working pero nagka revision bigla nalang uminit ang ulo at nag rarant. so ako dedma lang. then kumain sya ng dinner nag kukuda na naman na papanis na yung kanin pero kinakain nya parin . ako kasi di ako kumakain ng dinner. Then ayon sabi ko kanina pa kasi pinrepare yan sana chineck mo muna then sinabi sakin para mapalitan ko. sabi nya bakit di mo ba ma checheck? wala ka kasing kusa e. ( ayon rant parin sya non nonstop tangina) So ako medyo nahurt kasi alam naman nyang inaayos ko yung bday ng anak nya malamang pagod din ako. parang naiisip ko na dahil sya lang yung may work sya lang dapat ang pagod. pero pag kausap nya yung mga fellow art toy friends nya, dun di sya marant, di sya nanunumbat don, di aware mga kaibigan nya na ganon nya ko pagsalitaan. I feel its unfair kasi bakit pag galit sya sakin binubunton then syempre sasama loob ko pag masama na loob ko bigla nalang syang mag aact na parang wala syang ginawa. yung dahil lagi ko syang pinapatawad parang ok lang sa kanya na magsalita mg kung ano ano kasi sya lang may trabaho and alam nyang kakausapin ko padin sya. nyetaro. :( kainis Thanks mga momsh sa pagbabasa. I know walang kwenta. just like me.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually ako bilang working mother (pareho kaming working), may times talaga na pucha talaga ung tipong pinaghirapan ko nang napakatagal ung program ko tapos biglang last minute andami nyong ipapa revise? UNG TATAA? Sana umpisa pa lang nilinaw nyo na ung gusto nyo mangyari di ba tapos sasabihin nyo imbis na ako ang nag-iisip ng output kayo pa nag-iisip? ABA in the first place it is your duty to tell the developers exactly what you want and what you're expecting tapos isusumbat nyo yan?! HAHAHAHAHA nagrant ako nang wala sa oras nangyari kasi sakin to kelan lang sarap mambangas ng mukha e. 😂😂 Anyway going back, normal yan na nakakainit ng ulo. Minsan ganyan din ako nakakapandamay. Pang unawa lang kailangan ng asawa mo mamsh. Yaan mo lang sya. As long as hindi ka pagbubuhatan ng kamay or mumurahin or to that effect dedma lang. Pag malamig na sitwasyon saka mo kausapin wag na wag mo sasabayan. Kasi bukod sa stress nanjan ung pressure sa part nya. Isa pa ikaw mismo ambaba ng tingin mo sa sarili mo. Wag ganun. The fact na nakapag silang ka ng baby that's one thing to be super proud of.

Magbasa pa
VIP Member

I understand you momsh. 😊 sending you virtual hug 🤗. And naintindihan ko rin sa hubby mo. May mga times talaga na pressured sa work, pagod, tapos siguro gutom narin at hindi mo ineexpect na ganun yung kakainin mo, minsan nakakainit talaga ng ulo, wala rin naman siyang ibang mapagsasabihan ng hinaing niya kundi sayo so talagang ang ending mababaling sayo yung inis. What you can do is to let him be pag mainit ang ulo. Kung naglalabas naman siya ng sama ng loob pakinggan mo pero wag mong kontrahin. Let him feel na kakampi ka niya lalo sa mga rant niya. Like base narin sa kwento mo regarding sa kanin, parang instead of saying "sana chineck mo muna" try saying "sorry, magsaing nalang ako ng bago". And try to talk to your hubby din sa nararamdaman mo walang hindi nakukuha sa mahinahon sa usapan. 😊 don't feel bad din na siya lang ang nagpapasok ng income para sa inyo kasi ikaw naman ang gumagawa ng mga gawain sa bahay at pag asikaso sakanila and that is something you can be proud of. Mahirap maging housewife at priceless yun. Kaya cheer up momsh. 😊

Magbasa pa

nag usap na kami kagabi and he said nga na dahil late yung instructions sa kanya sa work kaya sya napikon and regarding naman sa nasabi nya daw na wala akong kusa he doesn't mean to say it daw . iba yung gusto nyang sabihin daw pero iba nasabi nya. sabi ko nalang it's okay I'm just letting you know that I am not your enemy. sabi nya rin na baka dahil di pa sya nakakapagpa checkup regarding his panic disorder kaya iritable sya. We are fine now. :) Thankyou po sa mga advices nyo po mga momsh. I really do appreciate it and I'm thankful kasi di ako na bash 😅😆😆 siguro nga po nakapag sabi sya ng mga masasakit na words kasi galit sya. Yeah, were fine na naman pero yung hurt na yun siguro it takes time to feel okay about it. iniisip ko nalang na I love him more than this hurt that I feel. Just gonna pray nalang for our marriage to last. :)

Magbasa pa

Ok lang yan momsh. At saka di ka walang kwenta kasi may mga ginagawa ka din naman sa inyo. Baka naman feeling mo lang yung kaya sya ganun sayo dahil sya lang may work. Try mo sya kausapin. Communication ang key. Syempre with proper timing, yung parehas kayo good mood. Then you can open up. Para alam niya feelings mo sa mga nagagwa niya and ganun din sya. Mas nakakapanatag sya ng loob kasi nailabas mo yung sama ng loob mo sa kanya, nalaman niya ung feelings mo and malay mo din, baguhin niya yun dahil napagusapan nio ang bagay na yun. Don't be too hard sa sarili mo. And wag mo iisipin na wala kang kwenta ha. Sana makatulong sayo. Godbless :)

Magbasa pa
5y ago

Welcome :)

siguro nga po bumaba na rin ang tingin ko sa sarili ko kasi lagi nya kong sinasabihan ng ganon pag galit sya. ayaw naman nya kong magwork kasi daw walang mag aalaga sa anak namin. Okay naman po sya pag di sya sinusumpong ng pagdadabog. good provider naman po sya. siguro nga po I really need to improve myself din and lalawakan ko pa pag iisip ko kasi minsan di kami talaga match ng iniisip and madalas nag kaka misunderstanding. Thankyou po sa advises nyo I'm really learning a lot po

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din po partner ko. Lalo pag issue sa pera. Sobrang short tempered. Kahit di ko na sya pinapatulan mura at sigaw padin inaabot ko sakanya, minsan feeling ko minamaliit nya ko dahil sya lang nagwowork. Pero okay sya pag normal days, sobrang ramdam ko na mahal na mahal nya ko, malambing sobra. Pero pag galit parang halimaw. Di nya talaga mapigilan. Sabi ko sakanya di ko na alam pano ihahandle ung temper nya. Sabi nya magbabago na daw sya.. Konti na lang din patience ko sakanya, malapit ko na talaga syang iwanan, konting konti na lang. Pagusapan nyo sis, Communication lang talaga.

VIP Member

Ms. cath, unang una po pagpasensyahan nyo na lang po ang asawa nyo. Normal lang naman siguro pag galit siya sa inyo at nagra rant then pag harap sa mga frienda nya d na siya nagra rant syempre naman kc wala naman kinalaman yung mga frienda nyo sa nangyayari sa inyo. Kausapin mo siya pag d na mainit ang ulo nya sa mahinahon na paraan.

Magbasa pa

Artist kasi cya mamsh.. may kakaiba silang temper.. ewan ko lang ha.. pero yun ang madalas na observation ko sa kanila..

5y ago

Tengang kawali lang mamsh.. 😊dapat strong tayong mga mamsh para sa family natin ❤

Ahm try mo Po read ung displacement n defense mechanism. Bka Makatulong ska pano imanage..🙂

5y ago

And btw try to be honest with your husband na nasasaktan ka Niya with his words. Sabhan mo din siya n if stressed siya mas ok if mag cool down muna siya before dealing sa inyo Kasi napag bubuntungan Kayo Ng stress. Sabhin mo Po napapansin mo..bka Kasi Hindi siya aware or Hindi Niya Alam pano I manage Yung pressure sa knya sa work.

Ikaw mismo mababa ang tingin sa sarili mo eh :(