Sorry baby
Okay naman ako kanina tapos bigla nalang I feel alone, I feel lonely. Yung sa sobrang lungkot mo gusto mo lang iiyak lahat. ? Sobrang lungkot na marealize mong wala kang kaibigan, walang nakakaappreciate sayo, yung feeling na hindi ka naman ganito dati pero ngayon kahit hindi ka mag isa sa bahay feeling mo mag isa ka pa rin. Yung feeling na walang kumukumusta sayo. Sorry baby ko, wag ka magalala magiging okay na bukas si mommy.
Parehas tayo. Ganyan din ako ngayon. I know dahil sa hormones,pero di ko maiwasan minsan maging emotional. Tinatandaan ko nalang,na gaano man kahirap minsan,o ka emosyonal,meron parin positivity sa buhay. Wag na natin icount ang wala tayo. O isipin ang wala tayo. Ang importante,kung ano ang meron tayo sa present at magpasalamat tayo kay God para dito. Isipin mo nalang mga nagmamahal sayo,mga taong nasa tabi mo. Isipin mo ang blessing na binigay sayo ni God na nasa sinapupunan mo. Lilipas din yan mamshie. Focus ka lang sa positive. 🙂
Magbasa paHormones mommy ❤️ that's normal to feel alone and lonely. Kasama sa pagbubuntis yan , I feel the same when I was pregnant. Lalo na SI hubby lagi NASA malayo Ang work. Just think positive at libangin mo sarili sis.
You'll be okay momsh, gaganyan ganyan din naman ako. Try to distract yourself nalang po para wag ka mag isip ng kung ano2. Kausapin nyo po lagi si baby, sya po magpapalakas ng loob nyo. Keep safe po and god bless.
Okay na ako mga mamshie 😇 nanganak na nga din pala ako. Minsan nakakaiyak yung sobrang pagod at puyat tapos iyak pa ng iyak si baby pero iniiyak ko lang tapos maya maya okay na ko.
Kapag nalulungkot ako kinakausap ko si baby .Tapos si baby gagalaw kaya pag lagi dinadalaw ako ng lungkot ganun ginagawa ko nakakawala ng lungkot at pagod
me too galing sa sobrang pag iyak....pinilit lng ako patahanin ng asawa ko,kasi kawawa si baby....problem is inlaws🥺🥺🥺🥺hugs mommy
https://s.lazada.com.ph/s.ZvcgC hello mga momsh baka makatulong namimigay ng 700php ang lazada try nyo po pandagdag sa pambili ng gmit ni bby
Ganyan rin ako nung buntis ako.. isipin mo nalang lagi si baby. Kausapin mo sya
I felt the same after I gave birth. I'm felt better every passing day
Hormones yan. Sarap sa feeling pag naiyak mo yung nararamdaman mo.