Kay Anne profile icon
PlatinumPlatinum

Kay Anne, Philippines

Contributor

About Kay Anne

❤️ Audrey Celestine ❤️ Sunsenrae ?

My Orders
Posts(19)
Replies(64)
Articles(0)

Sharing My Birth Story ❤️

EDD via LMP : 1st : August 14/15, 2020 2nd : August 24/25, 2020 EDD via UTZ : Sept 9, 2020 DOB : August 17, 2020 5:55pm 2.8 kilos Share ko lang mga mah 😁 Aug 12, nagpa check up ako sa hospital, Pagka I.E saken 2cm na daw ako, So pinag decide ako kung papa admit na ako or not. So sabi ko, wag nalang muna kase 2cm palang at wala ako dala gamit at wala ako kasama. Aug 14,2020 nag decide nako paadmit para rin mamonitor ko sya, pagka admit saken IE agad. Stock padin 2cm. Pina induce nila ako. 3 times nung araw din na yon ako tinurukan. Hilab nako nun pero hindi pa ganun kasakit. Mataas daw kase pain tolerance ko. Baka daw kaya antagal umepekto ng gamot. August 15, 2 times ako tinirukan. Ayun sobrang sakit na iyak nako iyak HAHAHAHAHA. pabalik balik kase cm ko from 4cm to 3cm. From 5 to 4, depende nalang sa nagsusukat. Grabe grabe yung feels, nd ko maintindihan. Kinakabahan nadin ako kase sobrang nainigas lang sya. Natatakot ako para kay baby. Sabi ng nurse normal daw kase humihilab. Pinalitan nila dextrose ko nun. Yung branded na pang induce kase ayaw talaga tumaas cm ko. Hindi nako makakain at makatulog sa sobrang sakit ng puson ko at balakang. Ganon pala feeling nun? Yung dysmenorrhea na 100x yung sakit. August 16, wow. buhay pako, char. Iyak padin ako kase di ko na talaga kaya e. Sabe ko isang araw nalang. Papacs nako. Kahit wala pera. Kase nd ko na talaga kaya. Nag mamakaawa nako jun kila mama at papa na ipacs ako. Kaso yung nurse yung ayaw pumayag kase kaya ko daw inormal August 17, pabalik balik nako sa cr ng hospital, di ko maka cr at umiiyak nako nun kase gustong gusto ko mag poops pero di ko talaga kaya. Iyak padin ako nun kase wala improvement cm ko pero hinang hina nako. Mag dalawang araw nako nd kumakain. tubig lang kase pinagbawalan ako ng nurse kumain ng madami. Around 2pm, nagpasama ako ky mama cr. Pinilit ko talaga maka poops kase ang sama ng pressure sa balakang at puson ko. Pero sa sobrang pilit ko. Pumutok panubigan ko. As in may tunog na parang balloon na may tubig. Takot nako nun kase nd padin tumataas cm ko. Tas pumutok na panubigan ko. Nag pa IE ako ulit nun 6cm, sabe nag leak lang daw panubigan ko. Leak ? Siraulo. Pumutok na nga e. Napapaire nako nun. Pero 6cm padin. Grabe iyak nako iyak. To the point na, naghanap si mama langis ng sawa. Nilagay sa balakang at tyan ko. Pati native na itlog pinasipsip nya saken. Kung ano ano na ginagawa ko nun. Pero habang nakahiga ako. Panay na ire ko. Panay nadin sita ng papa at mama ko kase baka mapahamak si baby sa ginagawa ko. di ko na talaga kaya kase automatic ako na napapaire. Tapos panay padin panubigan ko. Nd ko na maintindihan, tumawag na ng nurse si papa.Pag sukat saken 9cm na. HAHAHAHAHA. pag IE nya, napa ire pako sabe nya. "Hala mother, wag mo iire muna. Nakapa ko ulo ni baby. 🤣 Dinalhan nyako wheelchair at napapaire ako sa wheelchair. HAHAHAHAHA. panay saway nila pero bahala sila jan. Gusto na lumabas ng anak ko. 😁 Pag lagay nila saken sa labor room. Napapaire talaga ako e. Kaso sinita ako ng nurse na bantay dun. "Nhe, sino nagsabeng umire ka jan? wag kang umire. Pinapaire ka na ba?" Opo ang sungit nya. Sorry ako ng sorry. Pero di ko talaga mapigilan. Naka ilang sita talaga sila. Sabe pa " Pag may nangyare sa anak ko, wag mo kami sisihin ah? Di ka pa pinapaire. Blow ka lang. Nakakaintindi ka ba ng blow?" Panay sorry padin ako. Kinakausap ko na si baby nun. Pray ako ng pray na maayos lang sya. After ilang tawag sa nurse na hindi namamansin kahit anong sigaw. HAHAHA. nurse! nurse! doc! tabanggg! HAHAHAHA. Wala talaga. ang ingay ko daw. nd 0a daw bukas pwerta ko Check na ulet nila cm ko. Ayun iire ko daw ng mahaba at mag counting daw. Pero wala talaga ako e. Groggy na feeling ko at gutom ako. ubus lakas ko. Pero pray ako ng pray. habng kinakausap baby ko. Kahit mukha akong tanga nun. Dalawa kami sa Labor room, Nauna yung isa kesa sakin. Andami nakakabit sa kanya. Kinakausap ko sya nun. Bat andaming naka kabit sa kanya. dextrose catheter at kung ano ano pa. Napapasigaw nadin sya tulong nun laso snob talaga bantay na nurses dun e. Pinilit ko nlg umire ng tahimik. Panay kapa ko sa pwerta ko kase na mamanhid na ko. di ko na alam nangyayare. Pinaka goal ko nalang ilabas si baby ko. After ilang oras na irehan. May kung ano na sa pwerta ko. Ayon ulo na ni baby. Panay na sigaw ko. Yung ulo ni baby. Nurse! Nurse! Buti nalang may pumansin saken HAHAHAHAHA pag tingen, crowning na. Pero pinaire nya pa muna ko saka na nyako tinulungan. 5:55 baby's out. Napa thankyou Lord talaga ako nun. Nakaraos nako. Walang tahi pero ang bigat ni bahy para sa size ko. Ilang pounds nalang mag 3 kilo na sya. 2.8 sya lumabas e. Problema ko nalang ngayon kung pano makakabayad ng billas. Pero sobrang worth it yung mga pasakit ko. Lahat nawala nung nahawakan ko malagkit nyang katawan hehehe. Naalala ko pa yung pag dagan ng isang nurse saken. HAHAHA. Grabeng experience. First time mom ako. Ni hindi ako marunong humawak ng sanggol. Pero nung nahawakan at nahalikan ko na. Oh my Lord, Salamat talaga panginoon. Healthy at malakas si baby. Hindi sya iyakin pero naasar sya sakin. Kase wala sya madede Inverted kase nips ko. Huhu. Ayun, kay mama nagpapabuhat. Kay mama tumatabi. Pero once narinig nya boses ko lumilingon sya saken. Grabe ang hirap Audrey, simula pinagbuntis kita hanggang sa manganak. Feeling ko worth it lahaaaaat. Iloveyou anak kong pango, Mana sa tito nya na lage ko inaaway. Iloveyou iloveyou. ❤️ 39 weeks and 1 day. Baby Audrey Blair. Celestine sana yan. ayaw ng lola ih. sige na nga ❤️😁 Sa lahat ng mga mah jan, Mahirap talaga pero sobra sobrang worth it pag narinig muna iyak nya. Masilayan sya. Grabe. Over whelming. 4 days of labor and andaming turoks of induce with dextrose na pytocin pa. Hooooo. Nakaraos na. Amen!

Read more
Sharing My Birth Story ❤️
undefined profile icon
Write a reply

Dreams. Rants. Rants.

Maiba lang ako mommies. Ever since na nabuntis ako, lagi ko napapanaginipan ang tatay ng magiging anak ko. Yung lalaking di para sakin. Hehe. Mahal na mahal ko padin. Di sya bad dreams at all. Parang normal lang na nadaan sya sa panaginip ko. Halos araw-araw. Lagi ako nagp-pray kay God, na sana wag ko sya mapanaginipan. Di ko pa kase tanggap na iniwan nya ako sa ere. Kahit alam nya ang sitwasyon ko. Ayoko sya maalala. Gusto ko mag move on, mag move forward. Gusto ko tanggapin ang katotohanang iniwan nya na kami. Masaya ako para sa kaniya. Kase masaya sya sa buhay nya kahit wala ako sa tabi nya. Kahit hindi na ako parte pa ng buhay nya. Sana ako rin, pumasok saglit sa panaginip nya. Sana ako rin, naaalala nya. Ang unfair kasi e. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa mundo, nag s-step forward. Parang ako lang yung naiwan sa likod at hindi makatanggap. Di ko matanggap na sa kabila ng lahat, he left me hanging. Minsan napanaginipan ko, i was begging. Umiiyak ako sa kanya tinatanong ko sya. "Ba't moko blinock? Ba't moko iniwasan. Ba't moko iniwan sa ere? Pano na si baby? Pano na baby ko?" Nagising nalang ako na mabigat yung pakiramdam. Mabigat din sa pakiramdam na nakikita ko sya. Kasama yung totoong pamilya nya. Sana una palang, di ko na hinayaan na makapasok sya sa buhay ko. Edi sana, di ako nahihirapan ngayon. Ayoko na matulog, sa bawat pagtulog ko sya lang laman ng panaginip ko. Kung di alaala ng pinagdaanan namin, mga kanta nya para sakin at pagmumukha nya nakikita ko. Nakakaiyak, nakakalungkot. Di ako makamove on sa buhay ko. Feeling ko natrauma nako, ayoko na tuloy magmahal ? Single mom na siguro ako for life, sino ba naman tatanggap sakin? Nabuntis tapos hindi pininindigan. Wala nako mukhang ihaharap sa mundo. Wala naman ako kakampi e, sya sana. Kaso iniwan ako. Hahahaha. Sadlife. - 03/18/2020 12:53 AM Midnight thoughts ? I guess so.

Read more
undefined profile icon
Write a reply

Rants. Feelings. Diary ? HAHA. sorry :)

It's hard. Being pregnant at a young age. Lalo na you're going through it alone. Hi, I'm going to be a future single mom. I have friends. But I felt like they're judging me. Pero di ko sila masisisi, Sa sitwasyon ko ba naman? Don't mind me, nagrarant lang ako ng feelings ko. Nahihirapan kase ako, feeling ko wala akong nakukuhang support from anyone. Nalulungkot din ako, kase I fell inlove with a man. Na hindi ako kayang panindigan. Because my sarili syang pamilya. Yep, pangalawa lang ako. I blame my self for being stubborn at pinagpatuloy ko yung relasyon naming mali. Can you blame me ? Mahal na mahal na mahal ko e. Hanggang ngayon. We lost our communications few weeks ago. He blocked me. I was frustrated and sad. I felt like he left me behind. I'm stupid I know. Damn stupid. Wala akong intensyon makasira ng pamilya. I wanted a family of my own too. Pero I chose the man that would never choose me. I'm 14 weeks pregnant. Papa don't know this yet. Takot na takot ako. Kase alam ko sobra sobrang disappointment to. He always say. "Matalino ka, alam mo yung tama at mali." Sorry Papa. Mukhang nagkamali talaga ako ngayon. Pero papa, magkakaroon ka na ng apo sakin. You'll meet him/her soon. Sana matanggap mo padin. Mama knows. She was disappointed. Sobra. Haha. Di nya ko pinalaking ganto, but look at me now ? Pregnant without a baby daddy. I failed as a daughter. Alam kong ako lang yung makakatulong sa kanila pero pinairal ko yung maling pagmamahal. Akala ko magiging okay kami e. But, akala ko lang pala. Ngayon, namomoblema ako. San ako kukuha ng pambili ng needs ko at ni baby? What if magkasakit sya? I came from a poor family. Di ko afford. Di ko talaga afford. I'm praying healthy lang sya parati at safe inside me. There's a new life inside of me. Feeling ko, He/She symbollizes panibagong pag-asa. I hope I can fix my problem soon. To the wife of my beloved. I'm sorry, I really am. I didn't meant to get in between of you. Di ko intensyon na sirain kayo. I'm sorry, Di ko kayo guguluhin I promise. Gusto ko lang maging okay kami ni baby. Sya nalang ang meron ako. Bukod sa family and friends ko. - Ang haba ng sinabe ko, I felt relief. Feeling ko diary ko na tong app na to. I can't post sa facebook e. Too early to flaunt my pregnancy.

Read more
undefined profile icon
Write a reply