5 Am Bathe
Okay lang po ba paliguan si baby ng 5 am? May work pa po kasi ako ng 8 tas kailangan ko pang mag laba ng damit niya. D kasi marunong si daddy magpaligo

Sobrang aga. Dapat natutulog pa sya ng ganyang oras. Hindi pwedeng idahilan na hindi marunong ang daddy nya magpaligo. Dapat pag-aralan. Yung hubby ko nga talagang ayaw nun magpalit ng diaper kasi mahina ang sikmura. Nagsusuka talaga yun maamoy pa lang nya yung poop. Hindi sya nag iinarte ha. Talagang ganun na sya college pa lang kami. ๐ Pero dahil gusto nya ako tulungan, pinilit nya matuto magdiaper kahit sukang suka na sya.
Magbasa paaccording sa nabasa ko 9-2pm po ang ideal hours na dapat paliguan si baby to avoid cold and cough ๐ then we followed it, and yesss PROVEN nga! turning 6 months na si baby q Peru never pa po sya inubo at sipon ๐๐๐ though my baby is not BF ๐
Ang aga pa po masyado. 0-2 months mga 8-10am pinapaliguan baby ko. Nung 3-4 months since laging busy lahat ng tao sa bahay namin 7am sya naliligo. Nag-aral kami mag-asawa paliguan sya kase di naman pwede palagi ung pinsan ko.
Sbhn nio po kay hubby aral sya magpaligo. Mukhang ikaw nman nagbabanat ng buto๐cya kamo magadjust hnd po ung bata ang magaadjust sa inyo ๐
Maglaba ka na lang muna mamsh. Saka mo sya paliguan kahit 6am pwede na. Wag lang 5am kasi masyado pa maaga. Kawawa naman si baby malalamigan po sya.
5am kmi nag papaligo ng mga baby.. Basta maligamgam ung tubig. Wla nmn nag kasakit or anuman.. d lng siya nakagawian kc mhirap gumising ng maaga.
Medyo mas risky sya sa sakit for me.. Kasi kahit lukewarm yung water, malamig naman masyado sa umaga so baka lamigin din sa baby after maligo..
Sobrang aga nga po ng 5am momsh. Maganda turuan mo din asawa mo para nmn khit wala ka mapaliguan niya para di nmn mabigla yung ktawan ni baby
pwede nman just check the temperature ng place at water niya . dapat warm. tiaka may araw na ngayon ang 5am at medio mainit narin panahon
Ok lang basta nagising yung baby and hindi ginising. Turuan niyo mister niyo mas maigi pa. Siya nalang magadjust kaysa si baby.