19 Days Old Baby

Okay lang po ba na patagilid sya humiga? As in parang tulog matanda? Napansin ko kasi pag nakatihaya sya, nagigising sya every 1-2hours then iiyak. Titigil lang pag kakalungin at papatulugin sa dibdib ko pero pag patagilid sya humiga, ang himbing ng tulog nya, minsan umaabot pa 5hrs. E kaso nagaalala ako baka mapano sya or yung sids na tinatawag sa mga baby. Please advise po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung iniiwasan sa sids sa pagkakaalam ko, anything po na may makakablock sa paghinga nya. clear mo bed nya from any toys or pillows tapos make sure na wala nakaharang sa ilong nya. tingin ko okay lang naman kung dun sya nakakahimbing ng sleep, ang concern ko lang baka may effect yung ganung higa sa posture nya saka kung 19days old po normal po sa baby yung palagi umiiyak at guwto palagi hele

Magbasa pa
5y ago

Isa nga din yun sa concern ko, yung posture nya kaso nakakatuwa kasi sya makita na super himbing ng tulog. Parang adult na pagod galing work haha. Thanks sis.